Dahil Pito ang Kulay ng Bahaghari

Yvar Esmina

Balik sa Simula…

Wahahaha!!! Ouch.. 🙂 na excite ako bigla sa bago kong wordpress account… 🙂

Welcome back sa akin!!!  At opo… ako po ito… Si Yvarro… At ang aking bagong tahanan… 🙂 Hmn, nagpapasok pa lamang po ako ng mga kagamitan sa bahay ng apat na Maskara… Kaya pag bigayn niyo na po ang trip  ko na ito… 🙂 hihihi…

Sayang nga lang dahil sa pagka sunog (daw) ng aking blog ay medyo nagkahiwa-hiwalay pa ang aking mga maskara… kaya ayun… Mag-iipon ulit ako ng mga gamit (tulungan niyo po ako) :-)…

Kailangan nating buuhin ang aking comment board.. hmn, medyo deforemed po kase eh:  Kailangan ko po ng atleast, twelve na comments…

Kailangan ko din pong punan ang listahan ng aking mga blog roll:  Kung sino po ang magko-comment sa aking blog ay ilalagay ko sa aking blogroll.

Nais ko pong maniwala kayo sa sasabihin ko (tandaan: si Yvarro, ay pangkaraniwan lamang na maskara katulad ng lahat.)

  • Una: Hindi po ako si MD – Siguro dahil sa kaibigan ko siya since 2003, madaming bagay at perspective na ang na-adopt namin sa isa’t-isa.  Hindi hamak na may sense of humor ako sa tao na yun! 🙂 Peace Emdee… (wait… kaanu ano mo si MC?… at si MB?…) joke!
  • Pangalawa: Hindi rin po ako si Pseudonym.  Ako man po ay kasama ninyong nagulat sa pagkakaparehas naming dalawa… Hahaha!!! Sobra, kinilabutan ako habang nagbabasa ng mga posts niya, parang humiwalay si Ravy, at gumawa ng sariling blog… hehehe…
  • Ikatlo: Lalong hindi po ako si MB – Nagkataon lang siguro na halos nagkasabay siguro ang pagka delete ng blog ko, at ng pagkakasara ng blog niya, haiz…
  • Ikaapat: Hindi ko rin po larawan si Esmina.  Sa mga nagnanasa sa mukha ng inyong Diyosa: “Mga NEkNek kAyO! KuMbaGa Sa cElLphOne: ScReEnSaVer LaNG anG naKiKita niNyo!!! aHahaHA! IchurA niTonG mGa tOh?!!!” Hehe, seriously, tigilan niyo na rin ang pagtatanong kung gusto kong makipag date sa inyo kung “Boy” din naman ang gender na nakasulat sa Birthcertificate ninyo… hehehe… Hindi po ako kapwa ko mahal ko.  Hehehe…
  • At ang panghuli: hindi ko alam kung bakit ako nagpapaliwanag, siguro hindi lang talaga ako likas na sinungaling, kaya ayokong pinagdududahan ang aking sinseridad sa mga bagay bagay… ahaha!!! siguro ito ay para na lamang sa kaliwanagan ng lahat…

Noong una ay nagb-blog ako para sa isang kaibigan…  Masasabi kong siya ang dahilan kung bakit ako napad pad sa mundo ng wordpress (imported mula sa multiply, friendster, blogspot, at kung saan-saan pang blogging sites dyan.)  Ngunit, may nangyaring hindi kaaya aya, kaya kinailangan kong i-delete ang naunang account ng apat na maskara.  (ito ay may kinalaman sa mga nakasulat sa itaas.)  Kaya sa ngayon: masasabi kong ako ay nagb-blog para sa aking sarili… Kaya kailangan ko ang inyong mataimtim na suporta… 🙂 ahehehe… 😀

At siyempre… Nalilibang din ako sa pagsusulat… Naipapahayag ko ang mga bagay na gusto kong sabihin… (bakit ba ako straight na tagalog?) Wahahaha!!! basta… Just the right place to find a schadenfreude anu daw?!!!

Abangan niyo na lang po ang aking mga susunod na post!!!  Mas daring pa tayo, mas mind twisting, mas heart breaking,  mas inspiring, mas malulupit na mga topics, mas sensitive na issue… Mas-kara? (wehehe, guard?!!! guard?!!!)

Welcome po sa bago kong bloghay!!!  Feel at home lang po, dikit lang sa ref… Madaming pagkain jan…

Wait… Inaantok lang ako… Mommy, paggising po ako ng Paybterti! … 🙂 wehehehe…

Advertisements