Dahil Pito ang Kulay ng Bahaghari

Esmina Yvar

Bloggiversary!!!

March 25, 2010 : inilabas yung post ni Vary tungkol sa Isang Sulat Para kay Esmina

At para sa unang Bloggiversary ko ngayung January 28, 2011, kukumpletuhin ko ang pahina ko sa pagsasara ng UNANG YUGTO ng Mga Maskara.

Maraming salamat sa mga sumubaybay sa aking bahay, sa mga kamaskara kong nakitawa, nakiiyak, sumamang nangarap, naglakbay, minsa’y nainis, nagalit, nag-isip o nagduda, yumakap at natuwa…

Na kahit na maskara lamang ang nakikita ninyo sa lugar na ito: alam kong tinanggap ninyo ang buo kong pagkatao…

Para sa inyo ang post na ito (oo… ikaw na nagbabasa nito, para sa iyo nga ito!)

Letter to Esmina (the Repláy)