Dahil Pito ang Kulay ng Bahaghari

Ang Kaharian ng Kawayan

Ito ang aking opisyal na entry para sa Saranggola Awards, handog sa inyo ni Mineas, ang reyna ng kuwento:

 

Ang Kaharian ng Kawayan

ay apat na magkakaibigan sa kuwentong ito, sila Malikh Malikhain, Lino Matalino, Sinang Usisera, at si Kaloy Makakalikasan.

Si Malikh, ay kilala sa paggawa ng mga bagay na mapakikinabangan, kaya nga lang ay nasasayang ang ilang bahagi ng mga bagay na ginagamit niya, halimbawa: kung nais niyang gumawa, pumuputol siya ng isang buong puno para makabuo ng isang kuwaderno.  At hindi niya pinapalitan ang mga punong kanyang pinuputol.

Si Lino naman ay marunong gumawa ng paraan sa mga bagay bagay, ngunit madalas siyang mag aksaya ng tubig, katulad ng sa paglilinis, ay hinahayaan lang niyang umaapaw ang tubig sa kanyang baso, o ang kanyang balde at nasasayang ang mga ito.

Kilala sa pagiging matanong si Sinang, mahilig siyang mag usisa sa mga bagay na ginagawa ng kanyang mga kaibigan o kahit sinong tao na gusto niyang makaalam ng bagong impormasyon.

At si Kaloy naman ay nakilala sa kanyang pagiging masinop, at mapag-alaga sa kalikasan.

Isang araw, may isang diwata ang nagpakita sa apat na magkakaibigan.  “Kailangan ko ang inyong tulong!!!” wika niya, “Ako si Diwatang Pina mula sa Kaharian ng mga Kawayan, sa aming kaharian, ay mayroong nagbabadyang panganib! -Si Bondoy, ang isang halimaw mula sa karagatan ay nagbabadyang atakihin ang aming mumunting bayan.

“Maari ba kayong tumulong para mapaghandaan namin ang mangyayaring pag-atake ni Bondoy?” ito ang pagmamakaawa ni Diwatang Pina.

“Maaari akong gumawa ng mga sasakyan at kasangkapan, upang makatulong sa inyong paghahanda.” wika ni Malikh.

“Ako naman ay tutulong sa pag-iisip ng mga paraan para makaiwas tayo sa mga posibleng panganib.” alok ni Lino.

“Ako naman ay kakalap sa ng mga impormasyon tungkol kay Bondoy, at sa mga kaya niyang gawin upang  mapaghandaan natin.”, sabi naman ni Sinang.

“Tutulong na lang ako, kung anu pang mga kailangang gawin”, ito na lang ang itinuran ni Kaloy, nang maisip niyang wala na siyang halos maitutulong, dahil kayang gawin ng kanyang mga kasama ang lahat.

Natuwa ang diwata sa apat na magkakaibigan kaya sa isang senyas lang ng kanyang mga kamay, ay napunta na sila sa isang mahiwagang kaharian, ang Kaharian ng Kawayan.  Doon sa kanila tumambad ang isang napakalawak na lupain, mayroon maliit na pamayanan, at sa paligid nito ay maraming malalaking puno ng kawayan, at hindi pangkaraniwan ang mga laki at tibay ng mga ito.

Ipinakilala ng diwata kay Reynang Pili ang kanyang mga kasama, at nangako naman ng gantimpala ang reyna sa apat na magkakaibigan, sakaling malampasan ng kanyang mga sinasakupan ang darating na pag-atake ni Bondoy.

“Maari ninyong gamitin lahat ng mga yamang likas ng aming kaharian, upang magawa ang lahat ng dapat gawin.  Inalagaan namin ang mga yamang likas na nandito, upang sa pagdating nang panahon, ay kami naman ang kanilang alagaan.” ito ang utos ng Reyna ng Mahiwagang Kaharian.

Agad namang kumilos ang apat na magkakaibigan.

Si Sinang ay agad lumikom ng impormasyon tungkol kay Bondoy at sa kaniyang mga kawal, “Napag-alaman kong hangin at tubig pala ang kapangyarihan ng halimaw na si Bondoy!  Bumubuga siya ng malakas na hangin, upang matangay ang sino mang haharang sa kanya, at nagdadala rin siya ng maraming na tubig upang agusin lahat ng makikita niya sa daan.” ito ang kanyang inulat sa mga kaibigan.

“Magaling!” sabi ni Malikh.  “Ngayun ay alam na natin ang dapat gawin.  Gagawa tayo ng malalakas na bubong, at mga bangka, upang mapaghandaan ang lakas ng hangin at tubig na dadalhin sa atin ni Bondoy.  Agad na humingi ng tulong si Malikh sa mga kawal ng Reyna, at nagpuputol kaagad sila ng maraming mga puno ng kawayan, upang gawing mga bubong at bangka.  At katulad ng dating ugali ni Malikh, maraming mga puno ng kawayan ang nasayang.

“Huwag mong putulin ang puno!” tutol ni Kaloy kay Malikh.  “Kapag pinutol mo ang mga  kawayan, mawawalan ng puno ang poprotekta sa lupa, at maaring gumuho o bahain ito pag dumating ang maraming tubig.

“Huwag mo nang intindihin yun!”  wika ni Malikh, “Marami naman tayong gagawing bubungan at mga Bangka, mas makakatulong ang mga kasangkapan ito para sa atin.

“Kung tubig ang kapangyarihan ni Bondoy, mas makabubuti yatang patuyuin natin ang ating mga ilog!” ito ang itinuran ni Lino.  “Sa ganitong paraan, ay walang magagawa ang kapangyarihan ni Bondoy, dahil wala siyang makukuhang tubig para ipanlaban sa atin!  Magtira na lamang tayo ng sapat upang inumin.”  Agad namang kumuha nang pansalok ang mga kawal at sinimulang itapon ang tubig na laman ng kanilang mga batis, at ilog.

“Huwag ninyong tanggalan ng tubig ang mga ilog!”, mariin ulit tumanggi si Kaloy sa plano ni Lino, kapag nawalan ng daluyan ang mga tubig sa mga ilog at batis, maaring kumalat ang tubig na dadalhin ni Bondoy kung saan saan, at maaaring bumaha sa buong bayan.”

“Kapag walang tubig sa buong bayan, walang tubig na babaha, Kaloy.” Iyan naman ang sinagot ng matalinong kaibigan niya.

Maraming nasayang na puno at tubig sa dahil sa paghahanda ng kanyang mga kaibigan.  At bagamat hindi sang-ayon dito si Kaloy, ay pinili na lamang niyang lumagi sa isang lugar sa gubat na, at iningatan na lamang niya ang ilang mga puno ng kawayan, at hindi niya hinayaan na masama ito sa ginagawang bubong at bangka nila Malikh.  Nag-ipon din siya ng tubig mula sa mga ilog at batis, bago pa man ito matuyo, at ang naipong tubig ang kanyang gagamitin na pandilig sa mga iniingatang kawayan.  Nakita ito ni Sinang, ngunit dahil sa akala niyang wala itong halaga, ay hindi niya iniulat sa ibang kasama.

Lumipas ang isang linggo, at dumating na ang araw na kanilang pinaghahandaan.  Malaking bahagi ng kanilang gubat ang nakalbo, dahil sa mga punong pinutol nila Malikh upang gawing mga bubungan, at mga bangka.  Natuyo na rin ang kanilang mga batis at ilog dahil sa ginagawang pagtatapon nila Lino at ng mga kawal sa tubig.

At dito nagsimulang sumalakay si Bondoy. Tama nga ang mga bagay na inulat ni Sinang: Isa siyang napakalaking at napakalakas na halimaw, bumubuga siya ng pagkalakas-lakas na hangin, sa sobrang lakas ng hangin ay natangay kaagad ang mga matitibay na bubong na ginawa nila Malikh at ng mga kawal ng Reyna.  Nanlumo si Malikh, dahil kahit na sobrang tibay ng kanyang mga ginawang bubungan, ay nabuwag pa rin ito ni Bondoy, hindi nagawang proteksiyonan ng mga bubungan ni Malikh ang mga naninirahan sa Kaharian ng Kawayan.

Mas nagulat sila sa mga sumunod na ginawa ni Bondoy.  Humila siya ng mga tubig mula sa dagat, at hinatak niya ang mga ito upang bahain ang buong kaharian.  At dahil sa maraming puno ang mga naputol nila Malikh, wala nang mga puno ang sumipsip ng tubig.  Wala na ring dadaluyan ang mga tubig baha na ito, dahil isinara na rin nila Lino ang daluyan ng tubig, tulad ng ilog at batis.

Lumubog sa baha ang malaking bahagi ng Kaharian ni Reynang Pinas, ngunit hindi ang bahagi ng gubat na inaalagaan ni Kaloy.  Hindi ito tinablan ng hanging ibinubuga ni Bondoy, dahil yumuyuko lang ang mga kawayan sa mga malalakas na hangin.  Maging ang tubig-baha ay sinisipsip lamang ng ugat ng mga punong ito.

“May isang bahagi sa gubat ang inaalagaan ni Kaloy!” ito ang naalala ni Sinang, “Hindi iyon aanurin ng tubig baha.”

Agad nag-utos ang Reyna na dalhin ang lahat sa bahaging iyon ng gubat.

Agad namang nagsipuntahan doon ang lahat ng naninirahan ng kaharian.  Ang malaking bahagi ng bayan na nawalan ng puno ay nakita nilang lumambot ang lupa, dahil wala na ang mga ugat ng puno na sumusuporta dito.  Wala na din ang mga ilog na dating daluyan ng tubig, inagos ng tubig baha ang lahat ng mga bahay.  At dahil na din sa malambot na lupa, ay nadulas sa kanyang tinatapakan si Bondoy, at tumilapon siya pabalik sa dagat kung saan siya nanggaling.

Laking tuwa ng mga naninirahan sa kaharian ng makita nilang nawala na ang higanteng halimaw.  Ngunit nalungkot sila ng makita ang kinahinatnan ng malaking bahagi ng kanilang kaharian.  Marami sa mga bahay ay inagos ng tubig baha, ang ilan naman ay nababad sa putik.

Ang maliit na bahagi ng gubat na iyon ang tanging nagligtas sa kanila mula sa kapahamakan, at iyon ay ang bahaging inalagaan ni Kaloy.

Nagpasalamat ang Reyna sa ginawang iyon ni Kaloy, at binigyan silang apat ng mga ginto bilang gantimpala.  Ngunit higit sa mga gantimpalang kanilang tinanggap ay ang mga aral na kanilang natutunan mula sa nangyari:

“Hindi na ako ulit magpuputol ng puno, at papalitan ko na ang mga punong pinutol ko.” Lubos na nagsisi na sinabi ni Malikh.

“Hindi ko na rin hahayaang mag-aksaya ng tubig, upang hindi masira ang tamang pinagdadaluyan nito.” ito naman ang sinabi ni Lino.

“Higit sa paglilikom ng impormasyon, ako’y kikilos na lamang para mas makatulong sa pag-aalaga ng likas na yaman.” ito naman ang natutunan ni Sinang sa mga nangyari.

At nang makabalik na sila sa tunay na mundo, doon nila naalala ang mga katagang sinabi ng Reyna ng Kaharian ng Kawayan:

“Inalagaan namin ang mga yamang likas na nandito, para sa pagdating nang panahon, ay kami naman ang kanilang alagaan.”

About these ads

46 responses

  1. Sino si Bondot?
    Hanapin mo diyan si Bondot. Bigyan kita ng piso.

    Bagong bihis na maikling kwento tungkol sa pangangalaga sa kalikasan, sa mga dapat unahin at pahalagahan.

    Gusto ko ang pagkakagamit sa mga wikang Filipino partikular na ang mga ngalan ng karakter. Si Bondoy ay Bagyong Ondoy? Naisip ko lamang.

    Must read.

    October 11, 2010 at 9:02 am

    • wow! ginoong kulisap! unang beses mo atang nag komento ng medyo matino sa aking bahay ah?.. asan po yung bondot?. ala naman…

      hahaha! salamat naman kuya at natuwa ka..

      October 11, 2010 at 9:06 am

      • Haliparot ka, ibig mo bang sabihin, walang kwenta ang mga pinagsasabi ko pag nadadalaw ako dito?

        Burahin mo na ang komento ko kung ganun. Lahat, umpisa nang mapadpad ako dito. Ngayon na.

        October 12, 2010 at 12:06 am

      • sobra ka namang madamdaming bukid guinoong kulisap! hind naman sa ganun! hahaha! bihira lang talaga akong matuwa sa komento mo minsan, alam ko naman kaseng may laman ka kausap sa mas madalas eh.. uy.. si lolo… nabilog ang utot! hehehe…

        October 12, 2010 at 12:19 am

  2. nice naman ng kwento mo, mainam at bata pa lang sila alam na nila ang mga posibleng mangyari sa kalikasan kapag naabuso.

    alam mo ba ung kwento ng isang matanda na nagtatanim ng puno.

    sinabihan sya ng kapitbahay nya ng:

    “hoy pare, bakit ka pa nagtatanim ng puno, sandali na lang ang buhay naten, hindi mo na maabutan ang mga bunga nyan”

    sumagot ang matanda:

    “ok lang na hindi ko na maabutan ang bunga nito, buong buhay ko kumakain ako ng mga prutas na galing sa punong hindi ko naman tanim, siguro panahon ko naman para magantihan sila sa pamamagitan nito para sa susunod na henerasyon.

    October 11, 2010 at 9:25 am

    • wow! koment palang. kool na yung story.. hahaha!!! kewl.. sir stain…

      October 11, 2010 at 12:18 pm

  3. MD

    napakagaling… kung ako ang gumawa niyan, malamang puro away at sarcasm ang usapan nila..hehehe magaling!

    October 11, 2010 at 12:57 pm

    • ahahaha! tulad ng ending ng kuwento ko MD, may oras pa para magbago… hehehe… hindi pa huli ang lahat…

      October 15, 2010 at 2:26 am

  4. di ko mawari kung bakit parang first time ko sa lungga mo eh nadalaw ko naman ito dati. base muna ako…

    October 13, 2010 at 5:49 am

    • ahaha, thanks.. first time mo sa bahay ng PITONG maskara siguro… apat pa lang malamang yung naabutan mo dati.. hehehe…

      October 13, 2010 at 6:05 am

      • “Inalagaan namin ang mga yamang likas na nandito, para sa pagdating nang panahon, ay kami naman ang kanilang alagaan.”

        parang ondoy lang. hehehe. dahil sa kapabayaan natin ay nilamon tayo ng tubig na naipon..

        October 14, 2010 at 12:23 am

  5. siguro nga. kaya pala sabi ko bakit parang bago…

    October 13, 2010 at 6:12 am

    • salamat sa pagdaan berl… balik balik ka lang… marami pang handa sa mesa… wehehehe..

      October 15, 2010 at 2:27 am

  6. uy, ang galing ng kwento mo ah. nung bata kami si ate ang gumagawa ng mga kwento bago kami matulog. hahaha! yung aral, mula pagkabata yan na ang itinuturo, sana matuto naman na tayo :)

    ngapala ““Tutulong na lang ako, kung anu pang mga kailangang gawin”, ito na lang ang itinuran ni Maki,” —>si Kaloy to di ba? :)

    October 13, 2010 at 9:09 am

    • uu nga, ako din eh.. medyo marami pang mga twists yung mga kuwentong pangbata dati hehehe… pero tulad nang nakagawian, may lalabas na diwata sa kuwento.. may halimaw, at magiging maayos yung ending..

      wahahaha., ganun lang naman ang mga plot ng mga sumisikat na mga childrens stories di ba?..

      hehehe..

      tama.. kaloy nga yun, pero maki kase ang real name niya.. wehehe, thanks sa correction…

      October 15, 2010 at 2:35 am

  7. hello just visit your website.. by the way pde b mkipag link exchange? kung ok lng.. and if you had time you can also visit my blog.. thnks

    October 13, 2010 at 2:21 pm

    • wow! thanks.. pangalawa ka na sa bagong blogger firends ko.. wehehe…

      October 15, 2010 at 2:37 am

  8. hehe, ngayon lang nagka-oras na basahin to.

    anong category to?, kwentong pambata o maikling kwento.

    magaling yvarro!

    October 15, 2010 at 2:59 am

    • pansin ko nga sis, wehehe, ayway, atleast nabasa mo anu po?.. hehehe..

      kuwentong pambata po yan.. (hindi ba halata?..) hehehe…

      October 15, 2010 at 3:21 am

  9. myfilthyroom

    Panalo ‘to.. hahaha isang malaking goodluck at go for gold.. hahaha

    ngmamahal,
    7172 (hahahaha)

    October 15, 2010 at 3:54 am

  10. wow.. l like the story.. maganda nah….. may moral lesson pa.. hmmm.. malikhain talaga ang isip nga tao…

    minsan talaga dapat tayong makinig mga opinyon ng taong nkapaligid sa atin, lalo na sa oras ng kagipitan.

    Lesson for the day:
    Dapat maging good listener tayo, insort.. tsismosa…. ahehehe…. ang di makinig.. paparusahan ko sa ngalang ng buwan…. Yehboi..

    October 15, 2010 at 2:31 pm

  11. ramdam na ramdam ko na naka relate ka kay sinang… hehehe… missbroken! musta!! kaway kaway! first time mo ata dito?..

    October 16, 2010 at 2:48 am

    • hmmm… di ko matandaan.. siguro ngayon lang uli nakadalaw.. nyahahaha…

      ikaw ha.. bakit mo ako nkakalimutan.. nkakasakit ng pwet yun(ouch!)

      October 16, 2010 at 1:13 pm

      • nyek?, naka feed ka kaya sa email ko?. lahat ng posts mo narereceive ko, at nababasa?. makakalimutan ba naman kita sis?.. nasabi kong bago ka sa site ko, kase nai spam pa ng pending comments ko yung messages mo… so malamang ngayun ka lang nakapagpost n komento sa *bagong* bahay ko.

        October 16, 2010 at 2:44 pm

  12. yun oh, ang galing naman ni Kaloy!
    Kaloy for barangay chairman! hihihihihi
    makabuluhan nag kontribusyon ni Kaloy na akala niyang wala siyang maibabahagi sa tatlo pa niyang kaibigan.
    Sabi nga lilitaw ang pagiging matalino kapag sa oras ng kritikal na pangangailangan. Sabihin pa nating matalino si Lino pero totoo ang sinabi ng Biblia na gagamit ang Diyos ng mga mangmang para ipahiya ang mga matatalino.

    Kahit nasa huli parati ang pagsisi ang mahalaga ay may natutunan ang apat na magkakaibigan at ang kaharian ng kawayan!

    super like!

    October 16, 2010 at 4:31 am

    • korek ka dyansir pong! hahaha! may mga maliliit at simpleng bagay tayung ginagawa na minsan, akala natin ay walang saysay, pero mayroon palang malaking epekto para sa atin… pagkalaunan.

      magandang gabi pong.

      October 16, 2010 at 2:31 pm

  13. hehehe, nadistract ako sa sidebar…nakita ko kasi ang ilumina. noong nakita ko ang preview ng ilumina sa gma7, ikaw ang naalala ko.

    October 16, 2010 at 12:13 pm

    • ganyan talaga yung purpose niyan father fiel, at kung ik klik mo yung ilumina na yan, hindi talaga ilumina ng channel seven yan.. hindi ko nga napapanuod yun eh.

      hehehe,

      October 16, 2010 at 2:32 pm

      • hehehe ako rin di ko pa napapanood ang ilumina. pero ang picture ng ilumina, pati ang kulay nito ay bumagay sa over-all appeal ng blog mo.

        October 16, 2010 at 2:50 pm

      • naku salamat gather fiel, nice naman napadalaw ka sa bahay ng mga maskara…

        hmn, the truth is: dahil sa kulay ng mga maskara, kaya, lahat talaga ng kulay, bagay dito sa page na to…

        October 16, 2010 at 2:55 pm

  14. Pingback: Dream (Lady Mineas) « Maskara

  15. sa marami pang panahon na lilipas,kung isasalaysay ito bilang aklat para sa mga bata, imumulat tayo ng aral ng kwentong ito sa aral na natutunan natin noon sa mas masakit na paraan. ang ganda ng pagkakagawa. naririto rin ang lahat ng elemento ng minsan nating naging pagkukulang.

    saludo ako sa entry na ‘to,mineas!

    October 18, 2010 at 2:54 pm

  16. Pingback: Ako naman ang magsusulat… « HIBANG {tagni-tagning ideya}

  17. simpleng kwento pero malaman …dpat mailathala ito bilnag maikling kwento para sa elementarya..haha tama!

    October 20, 2010 at 6:50 am

    • salamat aj!!! long time no visit ka dito sa bahay namin ah?

      October 20, 2010 at 7:01 am

  18. Maligayang pagbati po! Umaasa po ako na maghahatid sa inyo ng tuwa ang aking pag-kabit (link) ng inyong sapot-lugar (web site), kasama ang lahat ng kasali sa Saranggola Dos, sa aking 2Rivers na kung saan lahat kayo ay malugod na inaanyayahan. Maaari din po ninyong ikabit ang inyong sapot-lugar sa MukhaLibro Pader (Facebook Wall) ng inyong likod. Tara, tena! Sumasainyo ang Pwersa at mabuhay ang panitikang Pilipino! Lubos na gumagalang, Jonathan Aquino

    October 29, 2010 at 5:04 pm

    • nice, maraming salamat sa pagdaan sa bahay ko nathan aquino…

      nga lang ay busy busy ahan pa ako… yaan mo, pag nagkaroon ako ng pagkakataon… ia update k yung blogroll ko…

      pasensiya talaga…

      November 1, 2010 at 5:27 pm

  19. Binabati kita, ang iyong akda ay napili at napabilang na isa sa mga top 5 finalists ng Saranggola Blog Awards sa kategoryang Kwentong pambata!

    November 22, 2010 at 2:22 am

    • whe?… hndi ngah?… hahaha!!! saya naman niyan!!!

      November 23, 2010 at 10:53 am

  20. Kongrats! Proud si LOLO.

    Finalist.
    :)

    November 23, 2010 at 11:02 am

    • salamat kuya!!! like us on facebook po ah?…

      November 23, 2010 at 11:25 am

  21. Pingback: Saranggola Blog Awards ^^ « Kwento ni Kat

  22. hellow kua uzta ka

    http://eufordphoenix.wordpress.com/

    March 31, 2011 at 5:16 pm

  23. ronald

    salamat po sa magandang kwento!

    July 5, 2013 at 5:45 am

  24. sino poh ang sumulat nian ??

    July 22, 2013 at 6:00 pm

    • ako po. it was an entry for a certain contest…

      August 16, 2013 at 1:23 am

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.