Dahil Pito ang Kulay ng Bahaghari

Vary Mineas

Isang Sulat para kay Esmina

Para ma itest ang “flexibility” ni Esmina, Mag-iiwan ako sa kanya ng problema, bago siya umuwi dito sa bahay ng mga maskara, tulungan natin siyang sagutin ang liham na ito…

Dear Esmina,

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, ang alam ko mahal na mahal ko siya, higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko, kahit na makalimutan ko na ang sarili ko sa proseso na pag-iintindi sa kanya, kahit alam kong ang sakit sakit na. Ilang beses sinasabi ko sa sarili ko na tama na yung atensyon na binibigay ko sa kanya, na hindi ko na problema, kung hindi niya kayang suklian, kung hindi man maibalik, yung pagmamahal na iniaalay ko, pero parang nasasayang lang… nahihirapan po ako Miss Esmina, bakit ganun???…

Hindi ba dapat pag nagmamahal, dapat buo, upang mabuo ka rin? Pero bakit ganun, Esmina?… Parang hanggang ngayon… kulang pa din ako?…

Virgo Guy.