Dahil Pito ang Kulay ng Bahaghari

PILAT (Kamalayang Malaya)

Pilat…  Lahat naman ng pilat ay mayroon kuwento na maibabahagi…

Mga salaysay na magsisimula sa mga sugat…

Isang ilaw ng tahanan na nahiwa ng kutsilyo sa pagmamadaling maipaghanda ng baon ang kanyang bunsong anak…

Isang manggagawang napukpok ng martilyo sa isang pabrika, ang tanging layunin niya: ay buhayin ang kanyang pamilya…

Isang walong taong gulang na bata, na nag-aaral na mag bisikleta…

Nabundol ang sasakyan, dahil sinubukang magmaneho ng lasing…

Isang sugat na mula sa isang away sa kalsada, bunga ng hindi pagkakasunduan…

At sa ayaw man natin o sa gusto…

Ang mga sugat na ito ay mag iiwan ng pilat…

Pilat na magiging bahagi na ng ating balat…

Mga marka na magpapaalala sa atin ng sakit na naranasan natin noong tayo ay nagkasugat…

Ang ilan sa mga sugat na pinanggalingan ng mga pilat na ito ay bunga ng pagmamahal…  Ang ilan ay mula sa kawalang pabayaan…

Ang ilan ay nais nating muling alalahanin…  Ang ilan naman, ay nais na nating makalimutan…

Ngunit:

Kahit gaano pa naman kalaki, o kalalim ang mga sugat na ito…

Sa pagdaan ng panahon…

Sa tulong na rin ng mga ilang gamot…

Ang mga sugat na ito ay gumagaling…

Na kahit minsan tayong naging biktima ng ating pagmamahal, o nang ating kapabayaan:

Ang lahat nang sugat na meron tayo noon, ay naghilom na…

At kung sakali man na tayo ay makatatagpo ng isang tao na mayroong sugat na kaparehas ng ating napagdaanan,

Maaari natin silang matulungan, o alalayan…

Dahil alam natin ang pakiramdam, kung gaano kasakit magkaroon ng ganoong klaseng sugat…

At maari rin nating sabihin sa taong iyon… Na dadaan lang din ang sakit sa kaniya…

Na malalagpasan din niya iyon, katulad ng ginawa nating paglagpas sa parehas na sugat…

At ang tanging makapagpapatunay nito: ay ang pilat na meron ka…

“Sugat man ay maghilom sa pagdating ng panahon,

Ngunit ang karanasang nagdulot nito ay tulad ng isang pilat,

hinding hindi mawawala… Magpakailan pa man…”

-Ravy


77 responses

  1. Ang masasabi ko lang:

    ‘Our scars have the power to remind us that the past was real’

    Saka ano pa pala, may mga gamot ba na nakakatanggal ng peklat? Diba wala? Cosmetic surgery? Kung surgery man yung maituturing? Haha. Saka pano manggagaling sa pagmamahal ang pilat? Hekspleyn! :))

    June 13, 2010 at 5:28 pm

    • Kung paano manggagaling sa pagmamahal ang isang pilat?…

      “Isang ilaw ng tahanan na nahiwa ng kutsilyo sa pagmamadaling maipaghanda ng baon ang kanyang bunsong anak…”

      Masasabi mong mahal ng nanay ang kanyang anak… kaya kahit masugatan siya… hindi niya yun iindain…

      Hindi ba’t naglapilat din ang iyong ina… noong isinilang ka niya?…

      Kung sakaling ikaw ay sasaksakin ng isang balaraw… at sasaluhin ito ng iyong ama, upang ikaw ay hindi masugatan…

      Hindi ba’t magkakasugat, at magkakapilat siya, dahil sa kanyang pagmamahal para sa iyo?…

      June 14, 2010 at 2:26 am

      • Pano kung kusinera yung nagmamadali sa paghiwa? Hehe.

        June 15, 2010 at 10:13 am

      • hmn.. ang tawag dun vajarl: kawalang kapabayaan…

        nabanggit ko na din yun…

        June 15, 2010 at 1:07 pm

      • Ang seryoso mo naman. Quiet na nga ako.

        June 16, 2010 at 1:37 am

  2. Pingback: PASIKLABAN | Kayumangging Damdamin

  3. Kamusta Ravy?
    Walang kinalaman sa iyong lahok ang aking tanong.
    Totoo ba ang sugat na nasa iyong braso? O drama mo lamang yan?

    Maraming salamat sa pakikilahok, nanahimik ka pero sasali ka pala.

    Magrefer ka sa akin ng blogger na wala pa sa blogroll ko para maging opisyal ang iyong lahok.

    Salamat na muli

    June 14, 2010 at 12:05 am

    • Magandang umaga guinoong kulisap…

      Kung totoong sugat po iyon…

      malamang hindi na po ako humihinga ngayon…

      alis po muna…

      June 14, 2010 at 2:28 am

      • Sige gumayak ka na at isasalang na kita sa pagiging artista mo.

        Si Niko ay nadalaw ko na, kaya pakipalitan ng iba pa.

        Salamat

        June 14, 2010 at 2:41 am

      • sige po ginoong kulisap…

        nagbigay na po ako ng bagong link…

        si “kuya”

        June 15, 2010 at 1:09 pm

      • Sa sabado ko na siya madadalaw. Salamat Ravy.

        June 16, 2010 at 2:51 am

  4. maelfatalis is in the sky with diamonds

    Parang ang laki ata ng sugat mo.

    Pero naniniwala ako na ang isang lalaki ay hindi matatawag na lalaki kung wala siyang pilat. At ang bbaeng maraming pilat ay malikot nung bata siya.

    Joke lang. namiss kita.

    June 14, 2010 at 12:28 am

    • natawa ako sa sinabi mo mae…

      June 15, 2010 at 1:10 pm

    • miss rin pala kita…

      June 15, 2010 at 1:11 pm

  5. Kuya Ravy, ang importante ay naghihilom ang mga ito. At ang nakalipas (rason ng pilat, bakas ng pilat at iba pa) ay nagsisilbing aral sa lahat.

    Mabuhay ka!

    June 14, 2010 at 4:01 am

    • pasabit na lang ako pong, dagdag na din… at sana di na maulit ang kaparehong sugat

      June 14, 2010 at 7:57 am

      • maniwala ka beef tapa…

        basta para mahal mo…

        at kung para sa pagmamahal…

        kahit ilang beses akong masugatan…

        gagawin ko…

        June 15, 2010 at 1:15 pm

    • bagamat may mga sugat din na hindi naghihilom…

      sumasang ayon ako sa sinabi mong ang pilat ay nagsisilbing aral para sa lahat…

      mabuhay ka rin guinoong pong…

      June 15, 2010 at 1:12 pm

      • at ang bakas ng pilat ang minsang nagpapaalala sa atin na maging matapang tayo at nalampasan na natin ang isang bagay sa buhay natin na kaya nating magtagumpay.

        June 15, 2010 at 1:30 pm

      • tama…

        tama.

        June 15, 2010 at 1:48 pm

  6. korek! korek!

    i can forgive but can’t forget!🙂

    June 14, 2010 at 7:33 am

    • hanggat naka guhit sa iyo ang mga pilat ng kahapon…

      mahirap ngang makalimot
      kayedee…

      maraming salamat sa pagdaan kayedee…

      June 15, 2010 at 1:17 pm

  7. Len

    tama ka sa pilat, ako napaka dami ko ng pilat na hanggang nagyon hindi pa naghihilom at malamang hindi na maghihilom pa.

    June 14, 2010 at 2:47 pm

    • hmn…
      pasasan pat makakahanap ka rin ng paraan para gumaling ang sugat na iyan…
      pero kung saang parte ang nasugatan…

      madalas len… doon din ang parte na gagamutin…

      saang sugat ba ang hindi pa gumagaling sa iyo?…

      magandang gabi…

      June 15, 2010 at 1:20 pm

  8. Len

    nag eemote ako, mali pala spell ko, amft! “PILAT” pala.🙂

    June 14, 2010 at 2:47 pm

    • hayaan mo na…

      naitama ko naman…

      June 15, 2010 at 1:21 pm

  9. antakit naman nun dre.. ang lalim ng sugat…

    pero mas immortal ang pilat sa puso.

    June 14, 2010 at 9:02 pm

    • sugat sa puso…

      isang parte na madalas masugatan sa isang taong nagmamahal…

      tumatagal ito…

      maaaring panghabangbuhay…

      pero maniwala ka leemi…

      ang lahat ng sugat na nasa puso…

      pag-ibig din ang kalunasan…

      June 15, 2010 at 1:25 pm

      • tama ka dre..

        pag ibig ang sagot

        at mas maraming namamatay sa pag-ibig..

        ..kesa sa pagkamuhi.

        June 15, 2010 at 5:16 pm

  10. matagal kong inisip kung ano ang pilat… scar lang pala! naman kasi eh!

    June 15, 2010 at 12:19 am

    • pilat…

      scar…

      peklat…

      June 15, 2010 at 1:25 pm

  11. At sana dahil sa sugat na nagdulot ng pilat ay may matutunan ka at iwasan na maulit muli. Maging kalakasan mo ito sa pag harap sa panibagong bukas. Maging san mang aspeto ito ng iyong buhay.

    Sa pinakamalalim na sugat na pwede nating maranasan maging pilat man ito darating ang araw na maalala pa rin natin ang hapdi na dulot ng sugat ngunit kung ito ay ibinigay na natin sa KANYA. Ang lahat ng pait ay mag lalaho at papalitan ng ngiti sa oras na maalala natin ang sugat. Ngiti na nag sasabing nalampasan ko ang sitwasyon na ito ng dail sa IYO aking AMA.

    >>>> missuravy<<<<

    June 15, 2010 at 4:45 am

    • tulad ng sinabi ko etchosera…

      basta kung para lang sa pagmamahal…

      handa akong masugatan.. at magkapilat muli…

      kaya kong ulitin ang parehong sugat… basta para lang sa pag-ibig…

      malamang ganun din ang gagawin NIYA…

      tama ba?…

      miss na rin kita etchosera…

      June 15, 2010 at 1:28 pm

    • etchosera.. naka protekted yung site mo?…

      June 17, 2010 at 6:01 am

  12. Magandang umaga. Maraming salamat po sa mga nagkokomento sa magagaling na blogger na ito.
    Nauumid ang dila ng aking mga hurado, sa totoo lamang.

    June 16, 2010 at 2:52 am

    • kuya kulisap…

      talagang merong hurado?…

      di bale lang…

      wala naman akong planong manalo…

      hmn…

      June 17, 2010 at 5:59 am

      • Meron po Sir, kasi kung ako lamang, lahat panalo na kayo, baka di na ako makapasok ng isang buwan sa kakabigay ng papremyo. Wala na akong budget, at ayon lalo akong magiging pulubi.

        June 18, 2010 at 12:28 am

  13. Magandang umaga ulit. Hi sa lahat. Hello kay Tagpi, hello kay Aling Kurdapia

    June 17, 2010 at 12:53 am

  14. Wala ako masabe, parang ang lalim ng pinanghugutan para lamang mabuo ang poste na ito.

    Pilat na dulot ng isang karanasan, karanasan na dapat nang ibaon sa nakaraan. Upang di na muling magdugo ang sugat, at tuluyan na itong matawag na pilat.

    Magandang Araw sa’yo Tol!

    Ingat lage at Godbless!

    June 17, 2010 at 2:04 pm

    • maniwala ka chevy…

      sampung minuto lang ginagawa ng “ikatlong maskara” ang kanyang mga poste…

      kapag lumagpas na doon,
      masasabi kong hindi na iyon mula sa puso…

      kundi sa utak…

      June 21, 2010 at 11:10 am

  15. ako din wala nang masabi…naubos na ang laman ng utak ko….hahaha

    June 18, 2010 at 2:20 am

    • sige lang binibining aninipot…

      lagi namang ganoon…

      malapit na magtatampo na ako…

      June 21, 2010 at 11:08 am

  16. masyadong masukal talaga ang gubat.puno ng matatalim at matatalas na tinik na humihiwa at tumutusok sa ating katauhan pero mas nakamamangha ang kakayahan ng buhay na paghilumin ang bahaging nasasaktan at nasusugatan.mabuting babala ang sakit at hapdi…nagsasabi ito sa atin na may mali,hindi tayo nag ingat.a

    tama ang lahat ng nilalaman nitong sulatin mo ravy.may mga sugat at sakit na handa nating damdamin dahil sa kadakilaan ng sakripisyo at pagmamahal.at nagagawa nating ngumiti masaktan man dahil sa gayung dahilan.

    June 18, 2010 at 3:56 am

    • maraming salamat sa pagdaan duking…

      napadaan din ako sa iyong poste…

      masasabi kong higit itong maganda…

      ganun nga ang ang pagmamahal…

      dapat marunong siyang tumanggap ng sakit…

      sakripisyo, at pagdurusa…

      June 21, 2010 at 11:12 am

  17. Happy Father’s Day, nakakapagod magtype, pwede bang spam na lang ito?

    June 20, 2010 at 2:40 am

  18. kuhracha

    sabi nga ni pacquiao, “di ako takot umaray”.

    nabasa ko sa taas na di ito totoo, pero di ko ma-take un nasa pichur. pasensya na.

    magandang tanghali, maskara.

    June 23, 2010 at 3:25 am

    • magandang tanghali rin kuhra…

      oo nga, hindi nga iyan totoo…

      maraming salamat sa pagdaan…

      wala kang link… paano kita mailalagay sa blogroll?…

      June 26, 2010 at 2:35 am

  19. buti hindi na corrupt nang wp ung hause mo ahehe

    June 23, 2010 at 9:59 am

  20. dahil sa pilat, naalala natin ang nakaraan na pangyayari. dahil dito nereremind tayong mag-ingat at wag maging pabaya. dahil sa pilat na meron tayo, natututo tayo..

    eh pano yung mga flawless??hehehe
    padaan po

    June 23, 2010 at 3:43 pm

  21. oo nga.. napansin ko nga…

    kawawa naman yung mga may nasarhang wp…

    bukas na ba yung mga yun ngayun?…

    check ko nga…

    June 25, 2010 at 4:31 am

  22. luv dis post! may kirot sa puso…panalo!

    June 27, 2010 at 10:11 am

    • nakatutuwa naman po father…

      lalo na kapag nanggagaling sa inyo…

      “your misery, will become your ministry” – yan ang sabi ni TD Jakes, isang sikat na author…

      salamat pads sa pagdaan….

      June 27, 2010 at 10:52 am

  23. Ito po ay Entry Number 8. Salamat po

    June 29, 2010 at 1:15 am

    • Numero walo?… ok po…

      kelan po ba yan matatapos?…

      panu po ba ang botohan?…

      June 29, 2010 at 12:24 pm

  24. haha, naalala ko bigla un post ko para sa kamalayang malaya din kuya jkul🙂
    magaling🙂 *thumbs.up* para sa isang ito

    June 29, 2010 at 5:00 am

    • maraming salamat sa pagdaan geylii…

      maganda nga ang pakulo ni guinoong kulisap…

      naway mapadaan kang muli sa bahay kong ito…

      sige dadaan ako sa blog-hay mo pagkatapos ng lahat ng kailangan kong gawin…

      June 29, 2010 at 12:27 pm

      • sige po, ikalulugod ko na ikaw ay salubungin sa iyong pagbisita🙂
        ngaun lang ako nakakapag basa ng lahok e, un iba nga d ko pa ma open . hehe . babalik ako🙂

        June 30, 2010 at 1:43 am

  25. kumusta na mga kaibigang maskara?
    be blessed!

    July 5, 2010 at 11:41 am

    • eto kaibiganag pong…

      nagpapahinga lang ng kaunti…

      July 8, 2010 at 12:29 pm

  26. Update na Utoy. Asan ka?

    July 6, 2010 at 6:23 am

    • hmn…

      magandang gabi guinoong kulisap…

      July 8, 2010 at 12:30 pm

  27. masasabi ko lang.. mas nakakapilat ang sugat na hindi nakikita..ito yung hindi na nawawala kailan pa man🙂

    ang ganda ng pagkakasulat!🙂

    July 11, 2010 at 5:49 pm

    • salamat sa pagdaan ML..

      magandang araw…

      July 12, 2010 at 4:57 am

      • mukhang malungkot ka nitong mga nagdaang post mo ha.. may dinaramdam ka ba?

        hayaan mo, magiging okay din yan, kung ano man yan😀

        July 15, 2010 at 5:22 pm

      • hmn…

        ganun talaga ang maskarang pula ML…

        July 16, 2010 at 6:30 am

  28. Baka pwede ka nang mag-update

    July 15, 2010 at 8:48 am

  29. I miss you!😀

    July 20, 2010 at 2:43 pm

    • Miss ko na rin kayong lahat Carizza…

      Pahinga lang ako sandali…

      August 2, 2010 at 3:06 pm

  30. Ang may ari ba nitong bahay na ito ay nagtatampo sa akin?

    Ipagbigay alam upang makahingi ako ng paumanhin.

    Salamat

    August 26, 2010 at 8:05 am

    • Hmn, hindi naman ako nagtatampo s iyo Guinoong Kulisap…

      Sadyang marami lang akong pinagkakaabalahang bagay kaya hindi ako gaanung nakabibisita sa wordpress…

      Huhupa rin ang mga alon…

      Tien sangli tiend densha…

      Huwag mo namang isipin na ikaw ang dahilan…

      Hindi sa iyo umiikot ang mundo…

      Hindi rin ito iinog, para sa iyo…

      Magandang gabi po…

      August 27, 2010 at 3:09 pm

      • Maasim ka. Eh di huwag. Kung ayaw mo.Lekat ka.

        September 2, 2010 at 7:57 am

  31. Kumusta na ikaw mga maskara?
    miss ka lang namin

    Be blessed!

    September 1, 2010 at 10:53 am

    • elow!

      September 5, 2010 at 7:50 am

  32. kasali din ako dito dati, nabasa ko na to sa pakulo ni jkul.

    October 8, 2010 at 9:23 am

    • hello roomboi!! welcme sa bahay ng mga maskara.. ngayun ka lang nadaan sa bahay ko nuh?.. tamabay ka lang dito ng madalas ah?.

      October 9, 2010 at 7:28 am

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s