Dahil Pito ang Kulay ng Bahaghari

25 Pesos



Nung namatay yung tatay ko nung November 25, 1997, naging tambay ako ng isang local church na malapit sa bahay namin, dun ko nakilala ang isa kong kaibigan na sakristan, si Gab (Hindi niya tunay na pangalan).

Masayang kasama si Gab, kaya kahit na mahilig siyang manghingi ng limang piso, ok lang, dahil napapagaan niya ang loob ko noong mga panahong nalulungkot ako sa pagkawala ni Papay.  Hindi ganun kaganda ang naging buhay ni Gab, galing siya sa pamilyang mas mahirap pa kesa sa amin ang buhay, umaasa-asa na lang sila ng nanay niya sa tulong na inaabot ng parokya sa pagtulong nila sa paglilinis ng simbahan.

“Hindi simple ang mabuhay.”, yan ang isa sa mga natutunan kong salita mula sa kaniya nuon.  Kaya alam kong malaking tulong sa kaniya pag nag-aabot ako s kaniya ng limang piso tuwing nagpupunta ako doon, sampung piso lang ang ibinibigay sa akin ng nanay ko, gagamitin ko ang limang piso, samantalang iaabot ko sa kaniya yung natitirang limang piso kapag pumupunta ako sa simbahan pagdating ng hapon.

Best friend ko siya, yan ang akala kong turing ko sa kaniya hanggang sumapit ang buwan ng Marso.  Medyo naging abala kami nuon, dahil final grading na, dagdag pa ang graduation namin.  Minsan isa linggo akong hindi nakadaan sa simbahan, kaya isang linggo din kaming hindi nakapag-usap, isang linggo ring hindi niya ako nahingian ng limang piso.  Mahigit 25 Pesos din ang natipid ko dahil dun.  Hindi naman kalakihan ang 25pesos, pero para sa isang elementary student na magbabakasyon, talagang malaking tulong ang 25 pesos para mabuhay ako sa ilang buwang walang allowance mula kay Mamay.

Pagbalik ko sa simbahan ang isa sa mga hindi ko makaklimutang oras ng buhay ko.  Umalis na raw sila Gab.  Umuwi na raw sila ng probinsya, ang matindi pa dito, nabalitaan kong nagkasakit ng malubha ang kaibigan ko (leukemia daw eh, basta may kinalaman sa dugo.) at pinili na lang nilang pumunta sa bahay ng tita nila sa may QC dahil dun.

Hindi ko na nakita si Gab mula nun, at ang huling balita ko later that year, namatay na raw siya, almost first death anniversary ni Papay, halos isang taon simula nung una kaming nagkakilala.

Nagbalik sa alaala ko ang dahilan kung bakit hindi ko nga ba siya nasamahan nung huling linggo na nasa simbahan siya: Ah tama! Tinamad akong pumunta, mas pinili ko magpahinga sa bahay ng mga oras na yun, mas ginusto kong mag-ipon na lang ng pera kesa sa iabot sa kanya yung 25 pesos ko ng isang buong linggo, 25 pesos na kung sakali sana, nagamit niya pandagdag sa pera ng pambili ng gamot niya.  25 pesos na pwede sanang maging tulay para makita ko yung mga ngiti sa mukha niya, pero hindi ko na magagawa dahil naging maksarili ako at inisip ko lang kung paano ko matitipid ang kakapiranggot na pera na yun. There are so many things that I regret after gaining that 25 pesos. Haiz, naiiyak naman ako sa blog kong to.

Sa 25 pesos malilibre mo na ng bueno bonita ang discipler mo, pwedeng huling pagkakataon na yun, dahil nag-iisip na siyang bumigay.

Sa 25 pesos makakabili ka na ng dalawang litro ng RC cola, para mapangiti ang isang buong G12 team, pero hindi mo yun magagawa kung selfish ka.

Sa 25 pesos maipapamasahe na yun ng isang leader papuntang simbahan, pero hindi siya makakapunta doon, kung sarili mo lang ang iintindihin mo…

25 pesos.

48 responses

  1. basa… basa muna… LOLz

    April 10, 2010 at 3:15 pm

  2. base… basa muna… LOLz

    April 10, 2010 at 3:16 pm

    • in my age, i’ve learned na nakakapagod kung puro na lang regret sa buhay. may reason sa lahat ng bagay na nangyayari sa buhay natin… no regrets… only lessons learned…

      uhhm, pwede pabura nung nauna kong comment… nakakahiya ang typo eh… tengks..😀

      April 10, 2010 at 3:23 pm

      • ???

        ahaha! hongah! atleast naka base ka a ulit MD! nakakatuwa ka naman! anung oras na gising ka pa.:-D hahaha!!!

        tama tama..😀 ganun nga ang halaga ng post na yan..😀

        para maipakita ang halaga ng bawat moment..😀

        April 10, 2010 at 3:30 pm

  3. “Sa 25 pesos makakabili ka na ng dalawang litro ng RC cola, para mapangiti ang isang buong G12 team, pero hindi mo yun magagawa kung selfish ka.”

    Nakakarelate ako dito kuya ??? lalu na dito sa kinalalagyan ko napakspoiled dito, hatid sundo, pakain, tinatawagan pa. kung magiging makasarili talaga tayo wala tayong mapapala. Analogy: Kapag ipinanganak ang tao (baby) palaging nakalukot ang mga kamay, grab and grab lang, self-satsfaction at habang lumalaki ay natutong buksan ang mga palad. sadly hindi lahat ganun.

    Paano natin tatanggapin ang pagpapala kung parating tikom ang ating mga palad at kapag ibinuhos iyon ni Bro ay aallpas lamang dahil nanatiling tikom ang palad.

    sa 25 pesos matuto at magpatuloy.

    God bless kuya ??? (yan hindi na ako nalito)

    April 11, 2010 at 5:17 am

    • ???

      naku.. mizpah.. galing ng naisip mo na yun ah?.. hmn.. pero.. alam mo.. tama yun..

      maraming tao ang ipinanganak na selfish at hindi marunong umisip sa kapakanan ngkaibigan nila…

      value every single moment na kasama mo ang kaibigan mo..

      maybe thats one of the moral lesson ng story nito..😀

      April 12, 2010 at 5:05 am

      • kuya ???, yep value them, siguro lahat na maging mga simpleng bagay na nakapagbibigay ng importansya sa mga taong nakapaligid sa atin diba.

        sarap ng ulan dito (umuulan kasi ngayon dito)

        April 12, 2010 at 6:57 am

      • ???

        mainit dito sa maynila…

        April 12, 2010 at 7:35 am

    • kumusta na? ang galing ng analogy mo pong, dahil ayaw nyang pakawalan ang hawak nya, ang dami nyang nami-miss na blessings.

      @kung sino ka man: pautang. ahehehe… di ko lam kung ano ire-react ko sa kwento mo. basta naiinis ako sa mga taong pinapalagpas ang mga pagkakataon na pwede nilang makasama ung mga taong importante sa kanila in exchange sa pagpapahinga lang, lalo kung alam nman nyang kaylangan sya. kahit naman siguro wala yung limang piso sa araw araw na pagkikita nyo, basta ung ngite at saya lang ng magkasama, ung maparamdam mo sa tao na may karamay sya.

      April 13, 2010 at 6:41 am

      • @kuya davin
        salamat, bakit hindi ka naliligaw sa tahanan ko

        @kuya ???
        ngayon siguro hindi na 25 pesos ang inilalaan mo para sa mga kaibigan mo?

        God bless!

        April 13, 2010 at 7:29 am

      • ???

        hmn.. oo nga.. davin.. minsan ganun nga.. hmn.. sabi nga ni Kuya Mizpa..Ipinanganak na ang tao na makasarili..

        Napakadaling magdamot..

        Hindi lang sa pera.. kundi sa panahon, at pagod..
        😀 ang ganda ng komento mo davin..

        though.. mukhang hindi mo kilala kung sino ang maskarang ito.. hahaha!!!

        ngite..😀

        April 13, 2010 at 7:42 am

  4. haha, naalala ko na naman ang nasunog mong bahay.

    yeah! 25 pesos may had liitle worth for others but it can give priceless smile and happiness.

    April 12, 2010 at 2:51 am

    • ???

      hmn.. talaga?.. anini pot?.. yung nagsunog na bahay ko ba?… 😀 oo nga eh… hehe.. medyo na miss mo rin siguro ako nuh?…

      April 12, 2010 at 4:59 am

      • ???

        bago na kase ang mga set ng blogrolls ko ngayun eh..

        hmn.. siguro ung mga dateng blogroll ko nadaan kila kay melaminecholic hehehe..

        wink wink aninipot..

        April 12, 2010 at 7:40 am

      • wahah, alam ko na bakit walang pangalan ang maskarang ito… hello again…nagkita ulit tayo…haha

        April 13, 2010 at 12:05 am

      • ???

        hai anini! kaway kaway!😀 hahaha!! dito pa tayo nagkita sa bahay ng maskara nuh?…

        April 13, 2010 at 2:15 am

  5. saan kaya nakarating yung 25 pesos mo kung sakali?..
    pero, sana wag nang regrets ang isipin mo sa bawat maalala mo si Gab.., naging masaya ka at sya ng time nyong magkasama.., at ngayon, mas masaya na sya kung tatangagpin mong okay na sya saan man sya ngayon..

    April 12, 2010 at 5:15 am

    • ???

      ah huh! tama nga naman Lee mi!😀

      yung twenty five pesos ba?.. pinambili ko lang at ng notebook.. or kung anu anu yun.. hmn..

      now i’ve learned to value every single cetavo I have..

      kung gagastusin ko ba yun?..

      iipunin?..

      o i invest sa ibang buhay?…

      hmn.. basta ganun…

      April 12, 2010 at 6:49 am

      • that’s the question.. kung iinvest mo ba yun sa ibang buhay.., anong buhay kaya maiibigay nun.. pengeng 25.., miitawid mo ang gutom ko ngayon ..pero pano pag iba na ang kailangan ko bukas?..

        April 12, 2010 at 8:17 am

      • ???

        hmn.. magandang tanong lee mi…

        ang 25 pesos ko ngayun.. kung kailangan mo. ibibigay ko..

        naniniwala akong babalik ulit yun.. kapag ako naman ang mangailangan..

        hmn. dun sa tanong mo kung magbago ang kailangan mo bukas?…

        hindi ko alam..

        basta kung anung hawak ko.. yun lang ang kaya kong maibigay…

        (binabasa ko pa lang ang post mo.. )

        April 12, 2010 at 8:24 am

      • 25 pesos na lang pag usapan nating,,wag na yong post ko na yun..ahihi

        bukas siguro isosoli ko agad yun o di kaya’ysa lalong madaling panahon.. hindi ako sanay ng nanghihingi.. kalimitang ako ang nagbibigay, pero paano kung minsan madamot na kong magbayad?.. o bigla akong nawala sa kawalan?.. masusuklam ka bang nasayang ang 25 mo sa kin?

        April 12, 2010 at 9:20 am

  6. may mga bagay siguro na nangyayari ng hindi mo gusto,katulad nang linggong hindi ka pumasyal dun sa simbahan.yung 25 pesos,hindi mo pinagdamot lyun kung hindi ka man nagpunta.pero yung pagkakasakit nya at pagpanaw….ah,hindi na ikaw ang may kasalanan nun.ayoko na lang magturo pero….alam ko kung sino.

    maging masaya ka lagi maskara…may higit na pangyayari na hindi na abot ng kamay mo upang baguhin kahit konti.ang tawag ko sa ganun….’shit happens’

    April 12, 2010 at 11:19 am

    • ???

      haha! uu duking tama.. malamang hindi ko nga fault yung mga bagay na yun…

      Pero.. tulad nga ng sabi ni MD.. kailangan makita natin kung anung bagay ang itinuturo ng circumstance na dumadating sa atin..

      It maybe a regret for me at the first time..

      Pero… It is a lesson learned.. pagdating ng panahon.. hindi lang sa akin.. kundi sa mga taong makbabasa ng kuwento to…

      April 13, 2010 at 2:10 am

  7. Sak

    I remember this post. haha. todas ka.. kaya pala nawala si melan.. ano nga ung name niya… ikaw pala un. blehh.. ang drama ha.

    April 12, 2010 at 1:43 pm

    • ???

      ako ba ito?. si melaminecholic?.. hahaha!! goodluck naman sa akin.. hahaha!!😀 musta Oh porous sky!😀 hahaha! naalala kita… ikaw yung yung merong reasons Why i dont trust you?..😀 hahaha!!!

      April 12, 2010 at 1:46 pm

  8. ayun oh meron na palang blog ulit si maskara parang ang tagal ko nakatulog…

    saken ahmmm medyo ganyan din ang nangyari nun namatay ang mom ko… nag titipid din ako ng pera para marami sana akong mapadala sa kanya pambili ng gamot at kung anong mga kakailanganin nia.. sad to say hindi ko sya inabutan.. haizz naiiyak ako.. regrets regrets.. sabi nga everything happens for a reason.. move on na uli..

    minsan kasi makasarili rin ako ..

    April 13, 2010 at 2:14 am

    • ???

      ahaha! uu nga lambing matagal ng bumalik ang bahay ng mga maskara.. hmn.. siguro mga one month after magsara.. haha! back read ka na lang sa mga naunang maskara.. haha!! medyo tatlong maskara na ang dumaan sa bahay na ito..😀 haha!! at ang weird naman.. hindi mo npansin.. tatlong maskara na din ata ang dumaan sa bahay mo?..

      haha!! welcome back lambing sa bahay ng PITONG maskara…😀

      April 13, 2010 at 2:18 am

  9. Nabasa ko na ito kay melamon dati.

    Pagtanggap sa kapayakan at kahalagahan ng maliit na bagay na minsa’y hindi napapansin…matutong magpahalaga.

    April 14, 2010 at 12:53 am

    • ???

      hmn.. talaga kuya Kulisap?.. ako nga si Melaminecholic.😀 alam mo yan.. hahaha!!!😀 wink wink…

      April 14, 2010 at 4:34 am

      • Oo.

        Ikaw na ikaw. Kala ko nga naligaw ako kanina eh.

        April 14, 2010 at 8:55 am

      • ???

        ahaha!! opo! habang ako pa ang maskara na lingkod ninyo.. patuloy po kayong malilito…😀

        April 14, 2010 at 10:18 am

  10. Naluluha ako.😦

    April 14, 2010 at 4:28 am

    • ???

      naku.. tissue carizza.. hmn.. maraming salamat sa pagbalik.

      April 14, 2010 at 4:35 am

      • Salamat din… sa tissue.😛

        April 14, 2010 at 4:49 am

  11. Utoy.

    OT ito.

    Si MD, loyalist mo pala.

    Tanong mo sa kaniya kung bakit

    April 14, 2010 at 8:56 am

    • ???

      ahaha!! honga po eh..😀 sinu pa bang magbe base sa akin kundi yung bestfriend ko den?.. hahaha!! (ang cheesey na nito)😀 wahahaha!!!

      April 14, 2010 at 10:20 am

      • Hindi basta itanong mo kung bakit Loyalist ka niya.

        Basta itanong mo sa kaniya.

        Tungkol sa akling liham sa kaniya.

        April 15, 2010 at 2:16 am

      • ???

        aahha!!😀 genumba?.. bakit kaya?.. guinoong kulisap?.. ayoko nang nag iisip…

        wala ako nun.

        April 15, 2010 at 2:48 am

  12. wow.. great man of God!!! galing.. sana kung nandito ka sa area namin makakasama ka namin sa mga public service para kay GOD…

    our life is really meant for something great and we have to invest on things with eternal value,,

    God bless you!

    April 15, 2010 at 9:51 am

    • ???

      waahhh! naku orville… medyo may konting problema: maskara lang ako.. haha!! at medyo hindi ako makakasama sa mga ganyang epek..

      hehe.. wait asan ba yan?.. (interested?) ahahaha!!!

      April 15, 2010 at 10:32 am

  13. pasingit lang po. i think u write great and u have a great personality. nabanggit mo ang G12. meron dati sa church pero wala na ngayon. hope ur doing well. God bless!

    April 15, 2010 at 10:13 am

    • ???

      hello ysae😀 ahaha!! maraming salamat sa pagdaan sa bahay ng mga maskara.. ang regarding sa G12.. hmn.. medyo mahabang istorya.., at malamang hindi mo inabutan hehe.. pero.. to sum it up.. maskara lang po ako… at kaya question mark po ang pangalan ko ay dahil… ??? ?? ???? ??? ???… ?????…
      ayun…

      April 15, 2010 at 10:36 am

  14. Ibang klase talaga ang paraan ng pagsusulat mo, punong-puno ng emosyon. Muntik na din akong mapaiyak. Na-imagine ko kasi ang kaibigan mo’ng si Gab(sumalangit nawa). Isipin mo nalamang isa iyong pagmulat sa iyo. Isang pagmulat upang iparating sa’yo na pahalagahan mo ang kung anung meron ka sa ngayon. Walang mamaya, walang bukas o sa makalawa. Kung kaya mo namang gawin/ipakita/ipadama ngayon, mismo sa mga oras na’to bakit hindi. Dahil hindi mo na mababalik ang mga nangyari na at hindi mo na maaring magic’kin ang naglaho na. Isang napakagandang poste kaibigan!

    April 15, 2010 at 1:37 pm

    • ???

      weih naku.. eto oh, yissue..😀 hmn.. ganun talaga.. may mga pagkakataong kailangan nating matuto sa hindi kagandahang paraan… 😀 lahat ng nagbibisikleta.. kailangang madapa.. ang importante lang ay: Kailangan, may band-aid ka…

      April 15, 2010 at 2:42 pm

      • asus, scattered ka naman…, hahaha! ou, nga kelangan laging me band-aid at betadine siempre! hahaha ^^

        April 15, 2010 at 5:53 pm

      • ???

        honga.. kalat ang utak niyang si Melaminecholic madalas hahahaha

        April 16, 2010 at 3:02 am

  15. woo nawawala ang 5pesos sa picture! sinong kumupit!! ^^
    biro lang po,

    napadaan lang ako na curious kase ako sa tatlong ??? na handle mo pag nag cocomment ka sa iba at ang gravatar na maskara. nakakaiyak naman yung kwento mo parang naramdaman ko yung lungkot at pang hihinyanag nung sinabi mong naiiyak ka na habang sinusulat mo ‘to.. nakakahinayang lang din na maagang nawala si Gab, sigurado naman amsaya na sya ngayon sa lugar na walang hirap at pasakit, mas masaya na sya dun na binabantayan nya ang magulang nya habang nag suusmikap mabuhay dito sa lupa. at sigurado ding nung oras na naalala mo sya at naisulat mo to nasa tabi mo sya, natutuwa dahil naalala mo..

    hays, salamat po sa pagshare nito, dahil sa limang piso, naramdaman ko ang kwento at ngiti sa buhay ni Gab..

    April 29, 2010 at 9:06 pm

    • ???

      ahahahha!!!😀 sir boni, 20 Pesos talaga ang original na title ng article na yan.. medyo mahabang story.. hehehe

      salamat sa pagdaan sa abang bahay ng Pitong maskara..:-D

      April 30, 2010 at 1:35 pm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s