Dahil Pito ang Kulay ng Bahaghari

Isang Sulat para kay Esmina

Para ma itest ang “flexibility” ni Esmina, Mag-iiwan ako sa kanya ng problema, bago siya umuwi dito sa bahay ng mga maskara, tulungan natin siyang sagutin ang liham na ito…

Dear Esmina,

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, ang alam ko mahal na mahal ko siya, higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko, kahit na makalimutan ko na ang sarili ko sa proseso na pag-iintindi sa kanya, kahit alam kong ang sakit sakit na. Ilang beses sinasabi ko sa sarili ko na tama na yung atensyon na binibigay ko sa kanya, na hindi ko na problema, kung hindi niya kayang suklian, kung hindi man maibalik, yung pagmamahal na iniaalay ko, pero parang nasasayang lang… nahihirapan po ako Miss Esmina, bakit ganun???…

Hindi ba dapat pag nagmamahal, dapat buo, upang mabuo ka rin? Pero bakit ganun, Esmina?… Parang hanggang ngayon… kulang pa din ako?…

Virgo Guy.

33 responses

  1. Basta ang alam ko ang pagmamahal ay perpekto, hindi nanakit, walang pag-iimbot, hindi napapagal, hindi gumaganti at iba pa…

    dahil tayo ay nasa estado ng mundo bilang tao, kaya nakakaramdam tayo ng kakulangan, sakit at iba pa… pero kung ating bubuksan kung ano ang nasa pag-ibig tiyak mabubura ang mga nabanggit dahil ito ay dalisay at walang batik dungis iyo ang pagmamahal para sa akin…

    marahil nallilito lamang si virgo guy.

    March 25, 2010 at 8:34 am

    • Wow! Guinoong Q! base ka! ..

      At dahil jan! meron kang prize: Trip to Jerusalem for one!

      May punto ang iyong advice… naway hindi mahirapan si Esmina sa pagbigay ng payo kay guinoong virgo guy… btw: hindi pala kasama sa maskara si Virgo Guy.. wala lang extra lang yan.

      March 25, 2010 at 8:42 am

      • ganun ba extra lang yun…

        offtopic: lumindol pala dyan sa atin Salamat Sa Diyos sa proteksyon nya sa bawat Pinoy!

        March 25, 2010 at 8:43 am

      • ganun ba nakaupo naman ako sa aking upuan eh, kaya dapat ko ng makuha ang ticket ko

        March 26, 2010 at 1:20 pm

      • That’s not the rule:.. hehe..

        Uhm, Ganito na lang, since ikaw na rin ang nagprovide ng upuan sa sarili mo..

        Bakit hindi na lang ikaw na rin ang magprovide ng sarili mong ticket as prize?..

        March 26, 2010 at 1:26 pm

      • kakaiba ka palang magpaclaim ng prize kuya vary, sige bibigay ko nalang sa iyo ang prize, ehehe, kumusta na si virgo guy?

        March 28, 2010 at 4:18 am

    • salamat sa prize, paano ko i-claim? pangarap kong makarating dyan sa nabanggit mo.

      March 25, 2010 at 12:21 pm

      • ay! hindi ko ba nasabi? ang mechanics bago makuha yung prize?..

        kailangn mo munang umupo sa upuan.. bago mo ma claim ung prize..

        hehehe…

        March 26, 2010 at 3:58 am

  2. sino naman si Virgo Guy๐Ÿ˜†

    March 25, 2010 at 8:37 am

    • extra lang daw

      March 25, 2010 at 8:44 am

    • Ahahaha! Etchosera, wag kang malito: Extra lang yan si Virgo Guy! Kilala kase si Esmina bilang isang magaan na maskara: titignan ko lang kung paano siya magbibigay ng advice sa ganyang pagkakataon…

      March 25, 2010 at 8:49 am

      • wahahaha may extra pa..sayang akala ko kasali siya sa main cast๐Ÿ˜†

        March 25, 2010 at 9:49 am

      • Opo etchos! hindi siya talaga kasama.

        Haha! hmn, guinea pig lang siya para makita ko ang counselling skills ni Ate Esmina..

        hehe..

        March 26, 2010 at 4:00 am

  3. pangarap kong makapag-base man lang sa isa sa mga blogroll ko…๐Ÿ˜€

    ang masasabi ko lang ay ito: manghihingi ka lang ng advice, kay esmina pa…๐Ÿ˜€ joke lang

    magtira ka ng para sa sarili mo… parang pitsel lang yan… kapag binuhos mo lahat ng laman sa ibang baso, ano na lang ang iinumin mo kapag nauhaw ka na? wag mo masyadong ipagpilitan ang sarili mo sa kanya… marami pa diyan… kung ubos na ang isda sa dagat, subukang mangisda sa ilog, sapa o kung ano pang uri ng body of water… kung wala na talaga, makakabili ka pa rin sa palengke…๐Ÿ˜€
    kung sa tingin mo’y nasasayang lang ang binigay mong atensyon whatsoever sa kanya… ihalintulad naman natin sa halaman (marami akong metaphor eh), kung dilig ka ng dilig, malulunod lang yan… bigyan mo naman ng panahon para tumubo ang diniligan mo… malay natin biglang mamunga ang pinaghirapan mo… teka, ang haba na nito ah… idugtong ko kaya sa blog ko noh?

    March 25, 2010 at 11:26 pm

    • Aba! ito ang pinakamahaba mong koment sa bloghay ko ah? MD?, hindi halatang afected anu po?..

      Andaming ilustration, haha! Pero malamang hindi ganung mahihirapan mag advice si Esmina sa lagay na yan..

      At kung bakit si Esmina?. hmn., kase bilang Isang matalinong maskara, nararamdaman ko ang burden na kailangan kong gawing well rounded lahat ng mga maskara,

      hm, ang pagbibigay ng advice ang isa sa mga waterloo ng susunod na maskara, kaya.. it train ko lang nang kaonte!..

      Naintindihan na ba?

      March 26, 2010 at 4:06 am

      • affected? hindi ah… mejo napakamot ulo lang ako kasi si esmina ang mag-aadvice ngayon…

        whatev! kumbaga ang nasabi ko…๐Ÿ˜€

        March 26, 2010 at 9:43 am

      • Wow MD! apekted na depensib pa!

        March 26, 2010 at 9:53 am

  4. dear virgo guy,

    sa hindi inaasahang pangyayari,napadpad ang sulat mo sa pagitan ng notebook ko.inisip kong para sa akin yun kaya gumawa ako ng tugon.eto,pagnilayan mo,kung may violent reaction ka,suntukan na lang tayo.alam mo kung saan ako matatagpuan!

    alam mo ba kung bakit pakiramdam mo ay may kulang pa?sapagkat,sapagkat…ang pag-ibig ay hindi bumubukal mula sa labas ng iyong sarili,kundi ito’y nagmumula sa iyo mismo.ang umaaapaw na pag-ibig mo mismo ang aagos palabas para daluyan ang buhay ng iba.walang kulang kung may umaapaw na,hindi ba?sa gayon,anu’t anuman ang mangyari sa labas ng bukal,daanan man ito ng tagtuyot,lagi’t laging sariwa ang pinanggagalingan.sa gayon,paulit ulit mong kakayaning magpasariwa pa ng maraming buhay.

    at ang lyrics ng kanata ay…’learning to love yourself…is the greatest love of all’

    ang iyong friendly neighborhood blogger,
    spanishbreadman!

    March 25, 2010 at 11:51 pm

    • JKuli ay nagustuhan ito.

      March 26, 2010 at 6:18 am

    • Tama ka doon duking.. haha! Ganun nga yun nuh?

      Ang pagmamahal ay isang aktibong pandiwa. (active verb) ibinibigay, at hindi tinatanggap..

      Maaring pangarapin..

      Ngunit hindi pinipilit,

      Hindi iginigiit..

      Iniisip ko lang.. Medyo hindi kase ganun kalalim mag isip si Esmina eh..

      Hai Duking! maligayang pagbalik sa abang tahanan ng mga maskara! *kaway kaway!*

      Sino si spanishbreadman?…

      March 26, 2010 at 9:17 am

      • vary,si spanishbreadman ang maskara ni peter baker.

        sya ang comicbook superhero na gawa gawa ko lang subalit hindi na publish dahil nakalimutan kong i-drowing.

        ingat ka lagi at magandang araw!

        March 28, 2010 at 12:22 pm

    • at nabuksan ang puso kong dumaloy ang lahat ng Pag-ibig sa puso ko…, hindi bukas, ngayon na.., magmamahal pa rin ako!!

      March 26, 2010 at 10:46 am

  5. Hindi mo siya tunay na mahal Virgo guy.

    Palayain mo ang sarili mo sa kakulangan ng iyong sarili ganun din don sa pinaghahanapan mo.

    Lalake ba ang problema mo Virgo guy?

    Pwes, maghanap ka ng ibang lalake.

    March 26, 2010 at 6:17 am

    • Wahaha! Guinoong Kulisap, yan ang gusto ko sa iyo eh..

      Yung ayaw ko..

      Grabe, parang madami ang hindi makarelate nuh?..

      Hmn, malamang matutuwa dito ang Maskarang kulay Kahel, pag inabutan niyang marami nang nakialam at sumagot sa isang sulat na nakapangalan sa kaniya.

      Hmn, miss mo na ang kakulitan siguro ng Maskara na yun noh?..

      March 26, 2010 at 9:47 am

  6. pwede bang violent reaction nalang!?

    March 26, 2010 at 8:09 am

    • Kahit anung reaction Guinoo, ay katanggap tanggap sa bahay ng maskara..

      basta react lang…

      March 26, 2010 at 9:51 am

  7. katulad ng sinabi ko na rin noon.. =kung ako ikaw..’kung’ lang po ah..
    kung mahal ko sya, gagawin ko lahat para makita nya ko ng ako at mahalin nya rin katulad ng intinsedad ng pagmamahal ko sa kanya.., kung wala talaga at least nasabi ko na ang nararamdaman ko.., wala talaga eh, alangan namang kunin ko puso nya at tattoo-an ng name ko dun.., hindi natin mapipilit ang sino mang magmahal sa tin katulad ng tau sa kanila., malaya ang pag-ibig, hindi namimilit, hindi rin kulang.., pakiramdam lang natin na kulang dahil naghahanap tau ng kulang.., puno yun kung iniisip sana nating hindi mapaghanap ang totoong pag-ibig…hindi madamot at hindi masakit..

    March 26, 2010 at 10:58 am

    • Naku! napakapunong puno ng puso ang sinabi mo Lee Mi (nakauwi ka na ba sa inang bayan mo?)..

      Ganun nga, tama nga ang iyong sinabi:

      Kapag sinabi mong mhal mo: Ang ibig sabihin, hindi ka na naghahanap ng kapalit..

      Kapag sinabi mong totoong pag-ibig lagi itong umaasa..

      Wag kayong mag-alala, wala sa mga maskara ang ginawa upang maging makasarili, (kaya nga nagmaskara eh, para makita ng IBANG tao, hindi upang para sa sarili.)..

      March 26, 2010 at 11:08 am

      • tsaraannn..nandito na po ako sa ating bayan.., ang sarap umuwi.., mahirap pantayan ang saya,,,hihi

        sinabi ko na noon na kahit magmaskara tau, hindi nagmamahal ang masmakara,, lalabas pa rin ang totoong laman ng puso..sayang din dahil hindi natural ang pagblush nito..

        March 26, 2010 at 12:17 pm

  8. Kawawa naman si Virgo guy. Siguro dapat niyang mahalin ang sarili niya ng buo para mahalin din siya ng buo.

    March 28, 2010 at 9:41 am

  9. kaya ganyan ang nararamdaman mo kasi kahit sinasabi mo sa sarili mo na di mo na siya aasahang mahalin ka, e at the back of your mind, umaasa ka pa rin. pero siguro pag natutunan mong magmahal kahit na alam mong di niya kayang suklian ang pagmamahal na alay mo, e mararamdaman mo ring buo ka pa rin.

    walang ibang pwedeng bumuo sa sarili mo kundi ikaw lang rin.๐Ÿ˜‰

    March 30, 2010 at 9:35 am

  10. Pingback: Bloggiversary!!! « Mga Maskara

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s