Dahil Pito ang Kulay ng Bahaghari

Stained Glass Masquerade

Nakakita na ba kayo ng Stained Glass?…

Yung nilalagay madalas sa bintana ng isang simbahan?

Hindi ba’t sobrang ganda nila tignan?  Makukulay?…

Lalo na kapag nasisinagan ng araw… Kumukinang.

Parang ang sarap nilang titigan.

At lahat ng naiilawan ng araw mula sa mga salaming iyon, ay nag-iiba ang mga kulay: Ang dating kulay puting paso, nagkakaroon ng kulay dilaw, pula, berde… o kahit anong kulay ng salamin na dinaanan ng liwanag.

Dating simple.  Nagiging makulay dahil sa mga liwanag na galing sa mga stained glass na yun…

Pero…

Nakapunta ka na ba sa isang simbahan habang gabi?…

Yung wala nang araw?…

Makikita mo: Kahit sobrang ganda ng mga stained glass: Dumidilim din sila kapag hindi nasisinagan ng araw…


Isa ka ba sa mga stained glass na sinasabi ko?

58 responses

  1. ganyang ganyan ang maskarang suot ko sa maraming pagkakataon.. sa liwanag at sa maraming taog nadadamay ng saya at liwanag ng kulay mula sa mga ngiti at halakhak, aakalain mong napakasayang mamuhay kahit mag-isa… minsan subukan mong antigin ang puso ko animoy malutong na salaming natupok sa init na patuloy na dadaloy ang luha hanggang unti unting magsinok at maalis ang maskarang natutunaw sa lungkot at agos ng awa sa sarili at pag-iisa.(self-pitty ini=)

    March 19, 2010 at 6:00 pm

    • Ang lalim ng mga salitang tinuran mo Leemi..

      Ang kagandahan ng salamin: Durugin mo man ito ng ilang ulit..

      Maari mo pa itong tunawin..

      maaaring magmula ang isang bagong salamin:

      na walang gasgas,

      walang pitak..

      March 20, 2010 at 4:47 am

      • lee mi

        nasa proseso pa ako ng pagtunaw ngayon..

        March 20, 2010 at 7:29 am

      • Hihintayin ko ang bagong ikaw…

        March 20, 2010 at 7:46 am

  2. ang gandang comparison ng stained glass sa pagkatao natin.you did it so well,vary.

    kunwari,yung sikat ng araw ang kaligayahan…tumitingkad lalo tayo,kumikinang,nagpapamangha.pero sa kalungkutan ng gabi.wala lang…

    what if we are the transparent glass?itwas like we are there but never really exiist.tagusan lagi ang tingin sa atin.ganyan din tayo minsan o gusto nating maging ganito minsan.pero minsan,sa kasiyahan,we could be the stained glass to spill some hapiness sa paligid.

    good post.beautiful song too!!!

    March 20, 2010 at 12:29 am

  3. simpleng rock…astig to tol…haha reflection !? mag reflect ka, hoy tamaan ka naman>>..wahehe.
    hay abnormalites na buhay ou….

    March 20, 2010 at 4:06 am

  4. sabi ng libro panatilihing magliwanag ang ilaw na ating bitbit, mapa sa kadiliman, pagkat ang ilaw na ating tangan tangan ay magpakailan pa man.

    great work sir vary!

    March 20, 2010 at 6:15 am

    • Wow! Talagang bumalik ka nga Guinoong Q,

      Natutuwa naman ako dun.

      Tama ka, tayo ay may kanya kanyang ningas na tilamsik lamang sa Dakilang apoy.

      Kaya napaka laking suliranin, sa isang nilalang kung paano nila mapapanatiling nagliliwanag ang sulong ipinagkaloob sa kanila ng na Siya na may hawak na pitong ilawang ginto.

      March 20, 2010 at 7:13 am

  5. palagi kaya akong dumadaan sa iyong lungga, di mo lang siguro pansin
    tama ka Kuya Vary, sabi nga ng kanta ng United “shine the light and let whole world see”
    hindi natin dapat itago sa ilalim ng ating mga kama ang taglay nating liwanag, kailangan nating ibahagi o kung hindi man tayo ang maging simula para ang liwanag na meron ang iba ay mapagliyab muli! ang galing mo sir! ano nga palang kurso mo?

    March 20, 2010 at 8:24 am

    • Lagi nga kitang napapansing dumadaan sa site ko po., salamat.

      Naku, mukha lang akong tagapagdala ng liwanag, pero, huwag kang padadala.. sinungaling din ako katulad ng karamihan dito sa blogosperyo.. hehe..

      Ganun lang dapat, ang mga maliliwanag ang magsisilbing ilaw ng mga nadidiliman.. (anu daw?)

      Basta.Mahirap ipaliwanag.

      Kung tinatanong mo kung ano ang kurso ko?..

      Depende yun.. kung anong maskara ang soot ko. Hehehe…

      March 20, 2010 at 10:24 am

  6. natawa naman ako…
    nabanggit mo kasi dati na isa ka palang estudyante kaya ko naitanong anong kurso mo,

    hmmmm basta ang alam ko, “We are all torch bearers that lit this world”

    salamat din sa pagtanggap.

    March 20, 2010 at 10:46 am

    • Guinoong Q, hindi po ba kayo nag aalangan na “kasinungalingan” din po ang sinabi kong yun?

      Paniniwalaan niyo po ba ang lahat ng sasabihin ng maskara ng kasinungalingan?

      March 20, 2010 at 11:19 am

      • I always remember my mentor in my Missions Course it says: Take the word of every individual as good as truth.

        Papaniwalaan ko Kuya Vary lahat ng sasabihin mo maging magkukumento ako sa bawat post mo. Unless sasabihin mo sa aking diretso na ang sinabi mo ay kasinungalingan.

        Point: Our words should reflect veracity, for every words we utter can build or destroy.

        Education Field: Choose to give hope to every students you have. For the words you impart can make or break their future; give hope or do no harm.

        — hindi po ako nanenermon sir vary. mas pipiliin kong makita ang ganda at liawanag ng pagkatao mo.

        mabuhay ka!
        continue to write and inspire!

        March 20, 2010 at 11:27 am

      • Muli Guinoo:

        Maraming salamat.

        March 20, 2010 at 11:30 am

      • walang anuman sir! saludo ako sa iyo at sa lahat ng mga tao dito sa blagospero.

        March 20, 2010 at 11:39 am

      • ang ganda ng sagot mo kay vary pong! hahaha!🙂
        nagustuhan ko ung takbo ng pag-uusap nyo vary at pong.😀

        March 22, 2010 at 6:05 am

      • You really love good conversation Beef huh?..

        Hehe, wala lang, natuwa lang ako.

        March 22, 2010 at 6:09 am

      • @kuya davin
        siguro likas sa ating mga Pilipino ang pagkahilig sa pakikipagtalastasan. Sa isang banda, napakaganda kasi ng post ni sir vary maging ang hatid nitong mensahe at maging ang pagpupukol nya ng mga tanong
        @kuya vary
        bakit po kayo natuwa at saan?

        Be blessed

        March 22, 2010 at 7:05 am

      • @vary: yeah! masarap magbasa lalo na pag nagbabatuhan ng tanong, at nabibigyan naman ng mahusay na paliwanag ng kabila.😀

        March 22, 2010 at 8:29 am

      • Guinoong Q, Natutuwa ako, hindi natawa,

        Malaking pinagkaibahan..

        Ang bahay ng maskara ay parang isang bungkos ng uling na susunugin sa bandang huli

        Ito ay susunugin ng “isang” natatanging katotohanan.

        Lahat ng nilikhang maskara ay mag iiwan ng mga katanungan sa maaari ninyong pagnilay nilayan.

        Kung ang aking mga salita ay pawang kasinungalingan,

        Sa dulo naman ng silid na ito, ay siguradong mayroong natatagong katotohanan.

        March 22, 2010 at 8:50 am

      • Natuwa naman ang isinulat ko di ba?
        Tama po kayo, alam ko na maraming katotohanan ang hatid ng iyong mga pahina.

        March 22, 2010 at 10:04 am

  7. Wala namang rason kung bakit kailangan kong ipasilay ang aking kinang sa gabi.

    Isa akong kawawa at walang muwang na nilalang pagsapit ng gabi.

    Oo isa ako sa sinasabi mong Stained Glass

    March 20, 2010 at 11:04 am

    • Isa akong kawawa at walang muwang na nilalang pagsapit ng gabi.

      Guinoong Kulisap, nauunawaan ko po ang ibig niyo pong sabihin.

      Ako may takot din sa dilim,

      Takot din po ako sa katahimikan.

      Takot din po akong mapag-isa..

      Bilang salaming may kulay,

      Lagi rin po akong nag hahanap ng kapares.

      March 20, 2010 at 11:25 am

  8. Pseudonym

    Hmn. Nalungkot ako sa post mo. If only I could separate my identiy from my whole being. I would stay a stained glass in the midst of night.

    Ewan ko pero sana hindi na lang nabunyag kung sino ako. You see, some like me better as Pseudonym rather than the other me.

    March 20, 2010 at 5:53 pm

    • Guinoong Pseudo: Gusto mo bang maging mas maliwanag ang paligid?

      Basagin natin ang salamin,

      Kaya nga lang, marami sa mga stained glass ang ayaw magpabasag…

      Siguro isa na ako doon..

      March 21, 2010 at 2:49 pm

      • No need for that Vary.

        Kung liliwanag ang paligid dahil sa pagbasag ng salamin… hindi ko rin naman nanaisin na yun ay dahil sa akin.

        I’ve decided. I’ll stay in the dark and remain anonymous as much as I can.

        March 23, 2010 at 2:41 am

      • True…

        true…

        March 23, 2010 at 5:09 am

      • who said that they like pseudonym than the other you?… hindi ka pwedeng ihiwalay sa isa…isang parte lang yon ng pagkatao mo…pang tinanggap ang isa kasama narin sa pagtanggap ang isang parte… akala mo lang yon…

        March 23, 2010 at 5:09 am

      • May punto si Binibining Aninipot, Guinoong Pseudo,

        Minamahal natin ang isang Stained Glass sa kabuuhan nito:

        Sa Iba’t ibang kulay niya na bahagi ng isang kabuuhan..

        Hindi lang ito isang kulay.

        Mahirap namang sabihin, Gusto mo ang kulay dilaw na bahagi ng Stained glass,

        Dahil hindi umaangat ang kulay ng dilaw, kung hindi ito tatabihan ng ibang mga kulay.

        Maraming kulay, sa isang kabuuhan.

        March 23, 2010 at 5:31 am

  9. Ayoko maging stained glass kase masyadong makulay. Mala butterfly.

    Anyways, in all seriousness, there are people who stand out without even trying. This is some cruel trick nature plays all the time. You see, desperation is not attractive. You may notice that people who try too hard to be noticed usually are the ones who are being ignored and sometimes even made fun of. And as evil as it sounds, I like it that that is how things work.

    March 21, 2010 at 8:13 am

    • Wahaha! may punto ka Vajarl..

      Kaya ako: hindi katulad ng ibang mga maskara, ay hindi gaanong papansin, hehehe, mahirap nang mamis-interpret.

      March 21, 2010 at 2:51 pm

  10. Stained glass… Magmumuni-muni nga muna ako.

    Pero parang mahilig ka sa mga babasagin ha.

    O nagkataon lang?

    March 21, 2010 at 10:50 am

    • Ako ba?.. Hahaha! Oo Carizza, Siguro karakter na nang ikalimang maskara ang maihahalintulad sa mga salamin: Maganda, Makulay, Malinaw..

      Pero babasagin: Sa isang iglap..Maaaring mawala.. madurog, o mabasag…

      March 21, 2010 at 2:54 pm

  11. Parang ako ay isa diyan…

    Well, hindi naman talaga maiiwasan na may mangyaring kahit hindi mo ginusto ay gugustuhin mo rin kasi ‘yun lang ang tanging paraan para maka move on… Sana naiintindihan mo ako🙂

    March 21, 2010 at 10:56 am

    • Ayun, maraming salamat lion heart sa pag iwan ng komento.

      March 21, 2010 at 2:58 pm

  12. Sak

    hindi ako stained glass… mosaic ako.. hahahaha. hellleeerrr yvar… long time, no mess.. i mess you🙂

    March 22, 2010 at 1:01 pm

    • Hai Sak, ikaw din ba si OPs?. Medyo nalilito kase ako eh..

      Kumusta ka nah?

      Welcome back sa bahay ng mga Maskara..

      March 23, 2010 at 5:04 am

      • Sak

        oo. ako pa rin si OPS. mgpapakatao muna ako sa ngaun kasi ang hirap mabuhay sa likod ng aking glossy avatars.

        okay lang ako. medyo depressed.. at mas nadepress dahil sa bg music mo😦 loko lang.

        March 23, 2010 at 8:06 am

      • Talaga?.. Uu, medyo nanibago nga ako sa avatar mo eh.

        Kung gano ako kasinungaling na maskara, ganun ka naman ka totoo sa gravatar mo..

        Maganda yan.

        Bakit ka naman depress?..

        Hmn, nakakalungkot ba ung kanta?

        hayaan mo, malapit nang umuwi si Esmina, hmn, medyo naligaw lang pauwi, galing sa bahay mo.. Kakarenovate kase ng mga daan yata.

        March 23, 2010 at 8:51 am

  13. nice one!! ang lalim 2 d point na wla n aq masabi ahihihi..

    hnd ko alm kung isa aq dun. pero totoo super lyk q ang stained glass🙂

    March 22, 2010 at 6:26 pm

    • Sino ba namang hindi matutuwa sa mga stained glass?.

      Para silang nagi iiba iba ng itsura, kapag tinitignan sa ibat ibang mga anggulo…

      March 23, 2010 at 5:06 am

  14. alam mo, gusto ko ang punto ng post na to… pero kahit ano pa man, madalas katiwasayan ang hatid ng stained glass sakin… hindi ko alam… lumaki kasi akong madalas stained glass ang nakikita, i can stay inside the church even midnight…alone….

    ang stained glass ay kasama sa mga bagay na nagpapa-alala ng kabataan ko at masasaya, malulungkot…halo-halo… pag nakakakita ako ng stained glass, ewan! pero ang gaan ng feeling ko..

    March 23, 2010 at 5:15 am

    • Ako man ay marami ring alaala sa stained glass..

      Maging sa loob ng simbahan.

      Pagdiriwang, pagluluksa, simpleng usapan, mauuwi sa tawanan.. Iyakan..

      Haiz.. Stained glass talaga..

      March 23, 2010 at 6:12 am

  15. ang ganda naman ng metaphor. oo, isa rin ako sa maraming stained glass na sinasabi mo. maliwanag sa unang tingin pero dumidilim. pero muli ulit hinahanap ang liwanag na nagmumula sa Kanya.

    March 23, 2010 at 8:02 am

    • Haha, Salamat sa komento, mabuti at natuwa ka rin sa imagery ng stained glass, at ang tendencies ng isang tao na magtago sa liwanag ng mga kasama niya..

      This brought the masquerade game on its “LIGHT”er state..

      Nasanay na kase sa mga term na “nagtatago sa dilim”,

      This time: Nagtatago sa Liwanag.. Hanep.

      March 23, 2010 at 8:44 am

  16. matagal na sana ako magko-comment kaso maraming mga shimmering flashbacks ang nangyari… kaya ito mag-iiwan na lang ako ng bakas in case ma-kwestyon kung bumibisita pa ba ako…😀

    maganda, maganda ang paggamit ng stained glass…

    March 23, 2010 at 10:50 am

    • Weh ewan ko sayu MD.. Hahaha!

      Shimmering flashbacks talaga ang naalala mo?.. Wahaha!!

      Gusto mo bang i-pingback ko pa dito ang ymoe blog post mo na may linyang:

      “Everywhere I turn, everyone keeps telling me to be strong. But that is what I’ve been trying to do in the first place.. Be strong.. and keep myself strong or at least pretend to be strong though hurting in the inside.”

      Hehehe, Peace MD.. Isa ka din sa mga Stained Glass na kilala ko…

      Peace MD..

      March 23, 2010 at 1:10 pm

      • aaah, laglagan… gusto mo ibalik ko ang “umuulan” moments mo?
        😀

        March 24, 2010 at 1:20 am

        • Waahh! Bakit ba kita dinala sa WordPress?.. Para may mantortoture sa kin?.. haha!!

          Ewineis, hindi na kita pagt tripan promise, haha! basta wala na lang laglagan..

          March 24, 2010 at 10:58 am

  17. madaming stained glass sa mundo. napaka masasayahin tignan pag nakaharap sa public pero pagsapit ng dilim at oras na ng pagpapahinga kung kelan mag-isa na lang, dun lumalabas ung mga kahinaan nila, mga frustrations at insecurities.

    March 24, 2010 at 8:54 am

    • at tingin ko isa na ako doon…kaya ang masasabi ko na lang ay Ouch…..
      siguro great pretender ako na maituturing…dahil kahit nasasaktan na, ipinagwawalang bahala nalang at hindi pinapansin…

      March 24, 2010 at 9:14 am

      • “dahil kahit nasasaktan na, ipinagwawalang bahala nalang at hindi pinapansin…”

        Hmn, kasama ka rin pala sa mga nasa kuwarto ng ikalimang maskara..

        Ingat lang sa paglalaro sa lubid ng kasinungalingan…

        Kapag ito ay nagka buhol buhol: mahihirapan ka nang tanggalin ito…

        March 24, 2010 at 11:14 am

    • Yan talaga ang pangunahing ibig sabihin ng post na ito Guinoong Beef..

      Maraming salamat sa pag bahagi sa amin ng iyong kuro kuro..

      March 24, 2010 at 11:06 am

  18. Send forth your light and your truth, let them guide me; let them bring me to your holy mountain, to the place where you dwell. (Psalm 43:3)

    SIYA lang ang nagpapakinang sa akin, Pag lumayo ako sa presensiya NIYA, wala ka ng makikita sa akin dahil ako’y nilamon na ng kadiliman.

    March 24, 2010 at 12:46 pm

  19. I like this post, mainly because it can be interpreted differently depending on the reader.🙂 Personally, I think that we should be happy as we are, and not rely on another’s radiance for us to shine. Our own beauty is enough.🙂

    March 25, 2010 at 2:35 am

    • Tama slaveboi, ganun nga ang mga stained glass, may kanya kanyang kinang na kinikislap mula sa mga liwanag na natatanggap nila..

      Gayundin ang ang mga tao: Iba’t ibang pananaw, sa ibat ibang enlightenment.

      May ilang ginustong kumislap sa pinakamaliwanag..

      Ang ilan ay nagtatago sa dilim..

      Ang ilan ay gustong maging buo..

      Ang ilan ay pinipili ang pagiging hiwa hiwalay..

      Anu’t ano pa man, may kanya kanya pa rin silang mga kadahilanan..

      March 25, 2010 at 4:29 am

      • Yup! And that’s what we all should understand, that everyone has a reason for being who they are. We shouldn’t judge, we shouldn’t assume.🙂 Ang galing ng post.🙂

        March 26, 2010 at 2:37 am

      • Everyone has a reason why they are wearing those masks.

        And since we do not know which is real and which is not: We can’t judge them anyways.

        salamat sa pagdaan slaveboi

        March 26, 2010 at 9:41 am

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s