Dahil Pito ang Kulay ng Bahaghari

Antipara

Sino nga ba si Vary Mineas? Sa pangalang iyan ako tinatawag ng mga taong nakakakilala sa akin. Matalino, mabait, walang bisyo, may “parent’s pride” ika nga nila,  hindi mo makikitaan ng kahit anong maling puna… Siguro, nakatulong na rin ang imahe nang pagiging geek, yung mukhang genius, kaaya ayang tao at parang walang kakayahang gumawa ng mali. Maraming salamat sa aking salamin.

Sabi nila, ang mata raw ang bintana ng ating kaluluwa. Dito mo makikita ang sinseridad, at pagiging totoo ng isang tao. Pero kung ang mga mata ko ay maaring matakpan ng salamin… posible kayang madaya ko ang mga tao sa paligid ko, yung makita nila ang mga bagay na gusto ko lang ipakita sa kanila?

Hindi ko alam.

Nakikita ng lahat ang matataas kong grado at marka sa klase…

Pero walang nakakakita ng aking mga kodigo.


Nakikita ni Papa yung pagpapagod ko sa overnight projects.

Pero hindi niya nakikita kung ano ang mga kalokohang madalas na pinagkakaabalahan ko sa bahay ng kabarkada ko.


Nakikita ni Mama yung mga libro ko sa ibabaw ng mesa, ng kuwarto ko,

Pero hindi niya napapansin ang mga tinatago kong magasin sa ilalim.


Software at mga CD para sa kurso ko,

At mga “personal” DVDs.


Parang isang tao, pero dalawang buhay.


Hindi ko alam kung paano maitutugma ang lahat.

Kung maging ang sarili ko ay napaniwala ko nang isa akong mabuting tao:

Kahit alam kong hindi naman ako perpekto.


Ang hiwaga ng Antipara ko:

Tuwing gabi, haharap ako sa salamin, upang makita ang sarili kong mukha.

Ang mukhang ako lang ang nakakita.

Yung walang antipara.

Maiinis.

Magagalit.

Magtataka.

Ngayon, sa likod ng Antipara: sino ba talaga si Vary Mineas?


80 responses

  1. Salamin, salamin sabihin sa akin ang katotohanang ikinunbli sa nakararami…

    Hmn. Yvar, huwag kang mag-alala dahil marami ang katulad mo. Isa na ako ruon. Wala rin namang ibang makapagsasabi ng katotohanan maliban sa sarili mo. Minsan lang talaga hindi mo maipakita sa iba yung other side mo kasi iba ang expected nila sa iyo.

    Darating ka din sa puntong kailangan mong ipakilala ng lubos sa madla ang sarili na may antipara at wala. Mas masarap lumanghap ng hangin at makisalamuha kung alam mong ikaw ay ikaw wala o mayruong antipara.

    Good luck sa iyo. (Teka, bakit binura mio na ako sa blogroll mo? Hmnnn… bakit kaya?)

    March 13, 2010 at 2:32 am

    • Maraming salamat sa pag comment taga bundok. Totoo, sarili mo lang ang lubos na nakakakilala sa iyo.. pero mas madalas… hindi natin naiintindihan ang sarili naten.. kung anong hindi naten gusto… pilit nating ginagawa, at kung anung gusto natng gawin: hindi natin magawa gawa…

      naman sa blog roll mo…

      Marahil kasabay iyong nasunog ng naunang bahay ng mga maskara..

      hayaan mo, dahil sinabi mo.. ilalagay ko ulit ang blogroll mo..

      pasensya na..

      March 13, 2010 at 2:48 am

      • Tama ka. Maraming bagay na taliwas sa gusto at ayaw natin. Maraming dahilan kung bakit natin ginagawa at hindi magawa ang mga hindi natin gusto at ang mga nais natin. Isinasaalang-alang natin ang kapakanan ng iba bago ang sa ating sarili. Isang bagay na masasabi kong dapat mong ikatuwa para sa iyong sarili. Ngunit, huwag kang papabulag sa isiping hindi ka naging tapat sa kanila.

        Hindi mo man lubos na maunawaan ang sarili mo iyon ay isang proseso upang mas lalo mo pang maunawaan ang iyong pagkatao, ang buhay at ang pakikisalamuha sa kapwa.

        March 13, 2010 at 3:24 am

      • Ganun nga madalas nuh?.. Gusto ni Papa na mag Engineer ako, kahit na Business ang gusto kong pasukin course.

        Madalas at sa madalas, ginagawa natin ang ilang bagay dahil iyon ang iniisip nilang dapat kong gawin:

        Anu ba ang dapat na tamang gawin?.. Yung makakapagpasaya sa ibang tao?… o yung makakapagpasaya sa sarili mo?…

        March 13, 2010 at 9:42 am

      • ang sa akin… gawin mo ang makapagpapasaya sa’yo… kasi at the end of it all (knock on wood), nasan na yung mga taong gusto mong i-please? either mawala sila ng una, na-please mo nga sila, nasayang naman ang oras mo kasi mawawala rin naman pala sila… or ikaw ang unang mawala, which will mean nabuhay ka na hindi mo man lang natupad ang gusto mong gawin…
        i feel for you, gusto ko rin kumuha ng ibang kurso, pero sa kagustuhan ng iba, kinuha ko ang kursong ngayo’y hindi ko matapos-tapos kasi ayoko nga ng kurso na yun… hindi pa ba nila gets yung message?😀
        madrama na naman… tawa ulet

        March 13, 2010 at 9:48 am

  2. Yan naman ang tulong ng glasses. Iisipin ng iba matalino ka, pero ang totoo natutulog ka lang sa klase kase hindi nakikita ng prof dahil nagrereflect ng ilaw ang salamin. Hehe.

    Ay! AKALA KO SECRET TO?! *sabay tago ng ‘personal’ DVDs*

    March 13, 2010 at 2:34 am

    • Bakit Vajarl?

      Genius mode ka din ba pag nasa loob ng klase?

      hehehe. Ok lang yun.

      March 13, 2010 at 2:54 am

  3. As what I always believe… we project what others want to see that is because that’s what they want to see. We fear of failing their expectations, in a way it is fulfilling what we want them to think about who we are. But it dosen’t necessarily mean that we are fooling or lying about who we really are to them. We just simply abide to what we think should not complicate any situation that regards to certain group or individulas.

    Who really is Vary Mineas? I can simply tell if I could look into your eyes. With or without your eyeglasses. Your eyeglasses is a protection to your soul, it is also a wayto magnify things around us. Are you genius or are you a fool? I may not really know unless I will take into consideration of letting you be partof my heart. Then eventually, I can say who you are in the way I see you with or without your eyeglasses on.

    (By the way, another similarity… I wear eyeglasses. Ahaha! Great day ahead Yvar!)

    March 13, 2010 at 3:16 am

    • Kumusta ginoong Pseudo?
      At nakita ko naman sa avatar mo na nakasalamin ka.

      ginagawa ba natin ang mga bagay na gusto nilang makita na tayo, ngunit ito ay taliwas sa kung ano ang tunay nating sarili:

      Masasabi ba nating nalilinlang natin sila?… o tayo mismo sa ating sarili ang nalilito?…

      Wala lang, matanong lang.

      March 13, 2010 at 3:23 am

      • Both. They may be fooled or I’d rather say forced to believed because we did those things for them. Or is it really just for them? And I would also say for ourselves.

        Darating sa punto na malilito ka sa sarili mo kung bakit mo nga ba ginagawa ang mga bagay na ayaw mo. Bakit? Dahil ikaw mismo sa sarili ay nagsimula niyon, ibig sabihin may nais ka ring patunayan sa kanila at sa sarili mo. Totoo, pareho mong nililinlang ang iyong sarili at sila sa pagpapapanggap na iyong ginagawa.

        Nalilito ka kung ano ang tama at mali sa iyong pananaw at sa kanilang paningin. Sa pagkalitong ito matutuklasan mo kung ano ba ang mas nararapat gawin. Magpanggap o magpakatotoo? Alin man sa dalawa, may takot ka na baka mag-iba ang tingin sa iyo ng iyong kapwa.

        March 13, 2010 at 3:34 am

      • Confusion against your own will that eventually leads to a reality of why did it in the first place. Yes, they are fooled and at the same time we fool ourselves believing that they really are fooled.

        March 13, 2010 at 3:49 am

      • *…why you did it in the fisrt place…*

        March 13, 2010 at 3:54 am

      • So I tuck it all away, like everything’s okay

        If I make them all believe it, maybe I’ll believe it too…

        Sobra lang siguro ang paghahangad ko na maging kabilang…

        Sukdulang kopyahin ang paraan nila sa mga bagay bagay…

        Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakararanas nito?.

        Pero siguro, hindi naman.

        March 13, 2010 at 9:49 am

  4. ah ok, na curious tuloy ako sa pagmumukha na yan….hahaha

    maaari ngang hindi makita nang ibang tao ang kung ano mang masasalamin sa ating mga mata
    unless, otherwise eh colored ung anitipara mo

    March 13, 2010 at 3:40 am

    • Hehehe…

      Hindi naman sa ganun, pero siguro, pag naka salamin ka, meron kang naipapalabas na ibang impression sa ibang tao..

      Tama ba? Pwede kang magmukhang seryoso, pwedeng Nerdy type, pwedeng magmukhang simple,

      depende kung anung klase o uri ng salamin ang gamit…

      nakakapagpabago ang salamin ng isang tao.

      ganun lang siguro yun…

      March 13, 2010 at 9:57 am

  5. Pagbabalatkayo ba kapag ipinakita mo ang kagandahan ng pagkatao para mas mapaganda pa ang mga nakapaligid kahit alam mo sa sarili mong ikaw, may sariling karuwagan at kahinaan?

    Sumagot ka.

    March 13, 2010 at 5:02 am

    • Pagbabalat kayo yun kulisap, kung hindi ka naging totoo sa sarili mo… o hindi ka naging totoo sa ibang tao..

      March 13, 2010 at 10:05 am

      • Salamat Yvarr.

        Masama ba ang hangaring ito?

        March 15, 2010 at 12:31 am

  6. Meron din akong antipara na sa kasamaang palad kailangan ng palitan dahil hindi na akma ang grado, mas matanda na ang lolo ngayon.

    Sino kaya ang mag-aakay sa akin papunta sa Opta

    March 13, 2010 at 5:04 am

  7. ako walang antipara, at sabi ng mga kakilala napakadali ko raw basahin, ngunit di nila alam hinding-hindi nila ako kilala, may antipara man o wala, pwede gumawa ng balatkayo.

    ang tao may kanya-kanyang misteryong tinatago, kahit ikaw pa ang pinamabait na tao.

    ngunit diba ang antipara ay may malinaw na salamiin, di man makikita ng iba, pero ikaw kitang-kta mo ng buong linaw, dahil sarili mong mata ay may salamin, salamin para luminaw ang paningin at salamin ng sariling saloobin.

    March 13, 2010 at 7:53 am

    • Tama, ganun nga yun.. at tuwing tina tanggal mo na ang sarili mong antipara, upang makita ang iyong sarili..

      na walang suot na salamin:

      Malabo ang aninag ng mukha na iyong makikita..

      Parang sinasabi ng salamin sa iyo na: kapag wala ako, hindi rin malinaw ang mga bagay na iyong makikita.

      March 13, 2010 at 10:09 am

  8. hmmmm.. ang mascara ni vary! hehe..
    o well laht nmn tlga tau my knya knyang mascara e!
    hmmmmm npaicp aq dun ah… anu kya ang akin?? hehhe

    March 13, 2010 at 9:00 am

    • Maraming maskara kaye.. maaring ang lahat ng maskara, ay nasa iyo na nang hindi mo lang nalalaman..

      March 13, 2010 at 10:11 am

  9. basta ako, kapag tinatamad or nagmamadali umalis ng bahay papasok… Glasses

    Pero kapag may time pa mag-inarte… Contact lens

    O kaya naman kapag may special occassion, kung ano yung pinaka hindi madalas mo na look (with glasses or contacts_ yun ang susuotin ko… para bigla tumambling ang mga tao, head turner ka tuloy bigla…hehe

    may sa madrama ang post mo… alam mo naman ang ugali ko sa mga kadramahan…

    Moth: Plastic spastic!
    MD: kung pisain kita jan…
    Moth: Kidding… (bulong: Wateyber!)

    March 13, 2010 at 9:31 am

    • Hindi drama yun MD..

      minsan, pawang salamin lang yan ng kung sino ang tunay na ikaw..

      sino kaya ang maskara na nasa iyo?.. MD..

      March 13, 2010 at 10:13 am

  10. Naalala ko dito yung manga na nabasa ko. Babae naman siya, ayaw niya na walang salamin dahil takot daw siyang makita siya ng mga tao na walang suot nun dahil pakiramdam daw niya, kabuuang tao niya ang nakikita ng tumitingin sa kanya.

    Hmm.

    March 13, 2010 at 12:47 pm

    • Tama siguro, ganun nga yun nuh?,

      mas secure tayo,

      kapag may mga bagay silang hindi nakikita sa atin nuh?..

      March 15, 2010 at 3:42 am

  11. kilala mo ang sarili mo,sapat na yun.may salamin o wala,makakatitig ka na ng tuwiran sa mata ng lahat….

    magandang araw,vary!

    March 14, 2010 at 12:13 am

    • Minsan, mas kilala ka pa ng ibang tao, kaysa sa pagkakakilala mo sa sarili mo.

      magandang araw din duking. ngite.

      March 15, 2010 at 5:25 am

      • that’s why you have to keep the best cards for yourself.there are the mask for the public and those for yourself.

        ingat lagi.i am happy conversing with you…*ngiting-ngiti*

        March 15, 2010 at 2:12 pm

  12. waha. pareho tayo. may salamin din ako, pero madalas, pinipili kong ‘wag itong isuot. kapag umiyak, o may itinitago akong problema, doon ko ito sinusuot. pakiramdam ko, kahit hindi naman nya maitatago ang mga mata ko, secured ako. siguro, dahil isa sya sa iilang bagay at tao na tunay na nakakakilala sa’kin.

    geek, wala sa itsura ko. pero ganun din ang tingin sa’kin ng mga dati kong kaibigan. mabuti nung college, dahil mas maraming geek kesa sakin, at nabalanse ang oras ko sa iba-ibang bagay, ayun, hindi na halata.

    sa halos lahat ng sinabi mo, nakarelate ako. dalawang pagkatao, madalas, nadadagdagan pa. sa loob ng pamilya, ako ang imahe ng isang perpektong anak. alam naman nila, natatakot lang silang magtanong tungkol sa buhay ko sa labas nito.

    sa psychology, sabi, may 3 selves daw tayo. ang ought, ideal at actual. kapag hindi napagmimeet ang tatlo, nakakaexperience tayo ng cognitive dissonance. mahirap naman kasi talaga ipagmeet ang gusto natin at gusto ng ibang tao para sa’tin. pipili tayo ng kung sinong papasayahin natin. ang sarili o sila. pero minsan, ang pagpili ng sarili ay pagpili sa mas nakararaming sila. ay ano ba yan. sorry, nadala ako ng emosyon ko.

    basta, ang masasabi ko lang, wag mong iisiping nagiisa ka. madalas kasi, naiisip ko ‘yan. hanggang sa nababasa ko rin ang mga posts nyo.🙂 apir!

    March 14, 2010 at 8:31 am

    • Hindi ko naman iniisip na nag-iisa ako.

      ang totoo, pakiramdam ko, maraming nakakaintindi dito sa wordpress..

      isang napakalaking masquerade game ang blogosphere para sa akin..

      March 15, 2010 at 5:48 am

      • sa tingin ko tama ka, isang napakalaking masquerade game ang blogosphere, may mga nagpakatotoo at meron ding sandamakmak na balat-kayo…

        March 15, 2010 at 7:59 am

      • Aray ko naman Ani.

        Isa pa.

        Arekupo. Aguy.

        March 16, 2010 at 6:29 am

      • Haha!! sa tingin konaman po guinoong kulisap.. hindi ka kasama sa nagbabalat-kayo.

        Sa tingin ko po ay isa kayo sa mga tunay na tao dito sa blogosperyo(hindi lang po sa jkulandia)

        Ang iba ay nagbibigay ng komento sa ibang blogger ng patalikod, yun ang hindi ko po gusto.

        Ngunit masasabi ko pong totoong tao ang nagtatanong muna bago humusga. kinukunsidera ang punto ng isa bago gumawa ng konklusiyon…

        Tama ba ako bibinigining anini?…

        March 16, 2010 at 12:27 pm

      • tama yvarro.

        kuya kulisap, isa rin ako sa nagsuot ng pakpak ni aninipot, ikaw bilang si kulisap… yvarro bilang mga maskara o diba ang saya…haha

        may kanya-kanya tayong dahilan bakit tinago ang totoong katauhan, pero kahit anu pa man, pagiging totoo ang dahilan bakit may itinitipa ang mga daliri natin.

        March 17, 2010 at 12:34 am

      • At naka-relate din ba ako… sa iba’t-ibang pangalan na tangan ko. Pero naging totoo naman po ako… huwag akong kasuklaman. LOL 😀

        March 17, 2010 at 1:31 am

      • Ang aking personal na buhay ay dapat hindi pagtuunan ng pansin, mas namnamin ang aking ambag sa blogesperyo, dahil di hamak na mas kapakipakinabang na kulisap si J. Kulisap kaysa sa kung sino siya sa mundo ng mga tao.

        Punto ko lamang naman.

        Gandang umaga Vary Manilow.

        March 17, 2010 at 2:31 am

      • May tama ka anini.

        Nakakatawa ngang isipin pero totoo:

        Maskara lang ang lahat.

        Tatalikod ka sa computer mo.

        Huhubarin ang maskara.

        At muli…

        Haharap sa tunay na mundo.

        March 17, 2010 at 4:41 am

      • Wala ni sinuman ang may karapatang kasuklaman ka Taga-bundok.

        Maliban na lang sa mg taong nasusuklam din sa kanilang sarili:

        Dahil isa sa mga katotohanan ay:

        Lahat ng tao ay gumagamit ng higit sa isang pangalan..

        March 17, 2010 at 4:47 am

      • Mas mahalaga ang mga daliri higit sa itinitipa nito.

        Mas karapatdapat pansinin ang mukha, kung saan ihinulma ang maskara..

        March 17, 2010 at 5:17 am

  13. taga-bundok

    Darating ang isang araw na magkakamali ka ng maskara na isusuot. Huwag kang mangamba sapagkat ang tunay na mukha ang siyang mangingibabaw.

    Mag-ingat ka lamang na baka dumating rin ang panahon na maskara ka na lang at wala ka ng mukha pang ihaharap dahil nilamon ka na ng pagpapanggap.

    March 14, 2010 at 7:37 pm

    • Maraming salamat sa mga komento mo, tga bundok.

      Sino ang kinakausap mo sa mga katagang ito?.. taga bundok?..

      Ano ba ang halaga ng pagiging totoo?

      Yun ba ay upang saktan ang mga taong umaasa na isa kang mabuting tao?..

      Iyon ba ang halaga ng pagiging totoo sa sarili?

      March 15, 2010 at 7:06 am

      • Ang mensahe ng iniwang kong pahayag ay para sa lahat ng may maskara. Kasama na ako ruon na madalas nuon na may tangan na maskarang panakip sa mali at tama.

        Ang kahalagahan ng pagiging totoo ay malaking bagay para sa ikalalago ng iyong pagkatao. Hindi upang saktan ang mga taong umaasa sa isang mabuting nilang ngunit ang katotohanang maging ano ka pa man ay kaya ka nilang tanggapin ng bukal sa luob dahil yun ay ikaw at walang halong pagpapanggap.

        Maaaring ang iyong mga katanungan ay hindi ukol sa iyo o kanino man pero mapangahas kong sasabihin na baluktot na katwiran kung ang kahalagahan ng pagiging totoo sa sarili ay saktan ang nakapaligid sa iyo.

        Saktan? Maging totoo ka man o nakamaskara, sa parehong pagkakataon ay makasasakit ka ng mga taong nagmamahal at umaasa sa iyo. Maaari mong dalhin sa libingan ang maskara at habnag buhay na ikubli ang katotohanan o isambulat sa kanila ang tunay na hangarin at pakawalan ang malayang pagkatao. Masasaktan pa rin sila.

        Ang pagtanggap at pag-unawa ang siyang higit na mas dapat manaig. Kung kailan ka handa na makasakit at masktan pa ng mas mahapdi ikaw na lamang nakaaalam. Ngunit nasa sa iyo pa rin kung hanggang kailan mo kayang magtago sa iyong mga maskara.

        Kanya-kanyang paniniwala. Sila na lang ang bahalang humsga. Ako ay ako kahit na ano pa mang maskara ang nakaharap sa akin. Makasakit man ako. Iyon ay dahil may dahilan din akong sadyang nais ipabatid… sa sakit na dulot ng pagiging totoo ko sa sarili. Pang-unawa at pagmamahal sa aking pagkatao sa inyo ang hangad ko.

        Salamat sa espasyong ito Maskara. Sumaiyo ang diwa ng katotohanan.

        March 16, 2010 at 2:20 am

      • Makibaboy, makibaboy.

        Wala akong masabi sa talumpati ni Anjong.

        Ganun din ang hapdi balatkayo man o hindi.

        Kamusta mga Ymongoloid?

        March 16, 2010 at 4:29 am

      • ang ideya, at realidad ay dalawang magkahiwalay na bagay.

        At maari rin nating sabihin na maging ang naisin natin ay hiwalay rin sa dalawang nauna.

        Iba ang nararapat, sa mga pangarap, at iba rin dito ang sumasapat.

        kung ang salamin ko ang magdudulot sa akin na makita ang mga bagay na hindi ko dapat makita: pag-aaralan kong ipikit ang aking mga mata.

        magiging sinungaling ako sa sarili ko, kung hahayaan ko na ang mga salita nila ang kumorte sa aking pagkatao.

        Ngunit, pagsisinungaling din, kung sasabihin kong tanggap ko na ang sarili ko ng buong buo…

        March 16, 2010 at 10:47 am

      • (haha! Ymongoloid… naalala ko tuloy high school life ko.🙂 )

        Maraming bagay sa mundo ang hindi magkakatugma. Ideya man yan o realidad, kadalasan ay pilit na pinag-iisa. Ngunit, saan nga ba nagsisimula ang realidad kung hindi sa ideya rin naman. Bakit nabubuo ang ideya dahil din sa realidad. At kung bakit mahirap tugunin ang ideya ay dahil sa realidad. Ayroniko, ngunit iyan ang katotohanan at realidad ng buhay. Sinasang-ayunan ko ang ilang binanggit mo. Gayunpaman, may nais lang akong idagdag

        Ang nais ng bawat nilalang ay hindi ibig sabihin ay umaakma sa ideya at sa katotohan na nagaganap. Kung akma ito, wala ng pag-aasam na mangyayar dahil nariyan na. Kaya nabubuo ang pag-asam, ang nais ay dahil sa mga nabanggit. Kung paano makakamit. Kanya-kanyang kapamaraanan. Tunay naman na hiwalay ang nais, sa ideya at realidad. Hindi ko ito kokontrahin.

        Sapat, pangarap at dapat… sa mga nabanggit maraming maaaring daanang proseso para magtugma ng ayon sa nais ng tao o maaari rng kahit kailan walang patutunguhan at walang kabuluhan. Depende sa pananaw at lawak ng isipan.

        Puede mo rin imulat ang mata upang hindi na kailanman magsalamin. Kung ang salamin nga ang tunay na magdudulot sa iyo ng mga bagay na hindi mo dapat makita at ito ay alam mo, bakit mo isinuot? May dahilan ka pa rin, may nais ka rin.

        Tayo ay hinuhulma ng bawat sitwasyon at pagkakataon, ang dikta ng kapaligiran ay hindi sapat para sabihing ikaw ay ikaw sa kanilang paningin at kung ang pagtanggap sa sarili ang pagbabatayan ko… unti-unti… heto ako. Hindi mo kailangan magsinungaling sa sarili para lamang tanggapin at mapabilang sa inaakala natin…

        March 16, 2010 at 9:57 pm

      • Sobrang hahaba ng mga komento mo Guinoong taga bundok,

        sandali: maging ikaw ay wala na rin pong link sa inyong pangalan:

        tatanggalin ko na din po ba ang inyong pangalan sa aking blogroll? at papalitan ng Dhanjacob.com?

        March 17, 2010 at 4:35 am

  14. mabuti naman po ako sir vary, salamat po sa pagdaan at pagbati sa akin sa pahina ni aninipot.

    March 15, 2010 at 8:52 am

    • naku..🙂 estudyante pa lang ako Sir Q..🙂 haha!!

      hindi ako ang dapat na tawaging “Sir” hehe…

      tama po ba?…🙂

      March 15, 2010 at 12:55 pm

      • lahat po tayo ay mga sir at mam. pagbutihin mo ang pagiging estudyante nyo po!

        Be blessed!

        March 16, 2010 at 4:12 am

      • Tama ka nga, ma’am at sir nga tayo sa sari sarili nating paraan..

        Salamat, guro ka parin po ba? hanggang ngayon?..

        Aun salamat sa pagbalik…

        Blessed be…

        March 16, 2010 at 11:30 am

      • hindi ko po pinapraktis ang pagtuturo dito, marahil sa aking pag-uwi sa pinas, tatapusin muna siguro ang MAEd pagbalik d’yan. kasi madami na rin akong nakalimutan sa pagtuturo.

        o syempre babalik at babalik ako dito parang Mcdo masarap ulitin.

        Be blessed!

        March 16, 2010 at 11:59 am

  15. Pingback: Maskara « Sanctuario Talinghaga

    • Sir Anonymus.. hmn. bago na ba link mo?.. tatanggalin ko na po ba yung nasa blogroll ko?..

      hmn.. anu po?..

      March 16, 2010 at 12:20 pm

  16. Lee Mi

    sa maskara ka nakilala..,
    ngunit di ka talaga nila kilala..,
    nakamaskara ka kase..,
    at nakamaskara rin silang tumingin sa ‘yo..
    at mapanlinlang lahat tayo…
    magmumuni na lang ako sa mga sinulat mo..,
    baka sakaling doon nakalarawan kung sino ka talaga..
    maskara.

    March 16, 2010 at 8:29 am

    • Tama, tama.. marahil naka maskara nga ang lahat ng tumitingin sa atin.

      Pero, lahat ng maskara ay hinulma na wangis ng isang tunay na mukha, ito ay may pinagmumulan.. sa ating sari-sariling paraan..

      maraming salamat sa pagdaan daan.. LeeMi.

      March 16, 2010 at 11:39 am

      • Lee Mi

        wag sana tayong masanay sa paggamit ng maskara, ito na rin ang tinutuktok ko sa utak ko noon pa.., mahirap ang masanay sa maskara at makalimutan kung ano ba talaga ang tunay na mukha.., kahit hindi lahat ay nasa mukha ang pagkakakilanlan, marami pa ring nagkaka-amnesia pagkatapos lang ng ilang araw at makakalimutan ka nila.., maaalala na lamang ang maskara ngunit di ang tunay na ikaw o ako.., mababaw minsan ang mundo ngunit nalulunod ang mga taong di nagbigay ng tunay na laman ng puso.

        March 17, 2010 at 4:17 pm

      • Tama, minsan, nalilibang na din ako sa pagsuot ng mga maskara na tangan ko..

        Hanggang sa pumtanog pinangarap kong sana nabuhay na lang ako na merong maskara.

        Pero mahirap kalaban ang katotohanan..

        March 18, 2010 at 5:46 am

  17. nakasalamin din po pala ako, “genius effect” ehehehe! salamat sa palagay mo sa aking pangalan sa iyong talatalaan. mabuhay ka kuya vary!

    March 16, 2010 at 1:31 pm

    • Tulad nga ng sinabi ko Sir Q:

      lahat ng mga madadaan di to sa bloghay ko ay mababahagian ng isang maliit na upuan sa aking salas…

      Mabuhay din po kayo kuya Mizpah

      Para sa kapayapaan… (anu daw?)

      March 17, 2010 at 4:33 am

  18. Halaka Vary, tinakot mo ako.

    Paano ba ‘yan?

    Anong ginawa mo sa site ko?

    baka pati password ko alam mo na.

    Bobo talaga ako, hindi ko masyadong naiintindihan ang wordpress.

    March 17, 2010 at 9:18 am

    • Ginoong kulisap, pakibasa pong muli ang tag ng maskara ni Vary:

      MASKARA NG TALINO…

      online po ako sa ym.. yvarro228@yahoo.com

      papaliwanag ko po kung paano ko po nagawa..

      March 17, 2010 at 9:22 am

      • Naku hijo, wala akong YM dito.

        Sige nga, paano ba yan gumagana.

        Tinakot mo ako ng pagkahusay.

        March 17, 2010 at 9:35 am

      • Babaguhin nio lang po kuya kulisap yung settings ng username ko, from admin to subscriber.

        ganumpo.

        March 17, 2010 at 9:54 am

      • Nabago ko na Utoy.

        Salamat.

        Ang bait mo, pakiss sa noo.

        March 18, 2010 at 12:24 am

  19. Antipara! Lalim ah.😉 Hahaha. Napa visit lang ako ulit and napa comment. I hope you don’t mind.

    Lahat naman yata may pagka schizo eh.🙂 And it makes people more interesting diba? Pangit naman if lahat tayo one dimensional lang.

    March 18, 2010 at 3:20 am

    • Haha! ang pangit naman ng term.. “Schizo”? Hehe..

      Pero yun talaga ang ibig sabihin ng diversity of life..

      March 18, 2010 at 6:26 am

      • Hahaha. Sorry na. Sige, uhm, multi dimensional na lang para di pangit pakinggan!

        March 19, 2010 at 3:51 am

  20. hiyeee!!

    la lng..hehe!😆

    March 18, 2010 at 9:53 pm

    • Maligayang pagbabalik Sows. May upuan ka na sa salas ng bahay ko… tignan mo pa sa blogroll…

      Sa bahay ng maskara…

      March 19, 2010 at 7:36 am

  21. Sir Vary, salamat po.

    Natatats po ako.

    March 19, 2010 at 7:41 am

    • Walang anuman Guinoong Kulisap, isa pa:

      Naiirita na po akong makita ang mga pending komments ninyo na tumatambay sa yahoo inbox ko.

      Biro lang (pero jokes are half meant) Peace.

      March 19, 2010 at 9:15 am

  22. Pingback: Maskara « Blog Archive « Patpating Talinghaga

  23. Pingback: Spectacular! « Run, MD! Run!

  24. aw. matalinghaga. nosebleed ako. hehe

    May 25, 2010 at 3:18 am

    • ganun ba?…

      hindi naman…

      si vary, ang isang maskara na hindi mo dapat paniwalaan…

      hmmnn…

      May 31, 2010 at 9:28 am

  25. Nakakatuwa naman basahin ang post na to Mr Maskara Jabawokez. Lalo nat sa mga oras na ito ay kinakailangan ko na rin ng salamin sa mata. dahil malabo na rin ang mga ito- pero yun nga medyo naka relate ako dun sa mga tagpong di alam ng tao ang malalim na pagkatao ng isang nilalang na nilalayon na itago sa pamamagitan ng pag-iinarte. Hahaha. ANO DAW?

    PS. nakapunta lang ako dito sa lungga mo dahil nag search ako sa google ng “Antipara” :)))

    June 20, 2011 at 12:35 pm

    • naks!! hahaha!! natawa naman ako sa iyong blog..😀 sa user name mo… sa pangalan at sa email address mo.. hahaha!!! may naaalala lang akong tao..😀 hahaha!!! nasa ibang bahay ako ngayun…😀 dito oh: http://isangmukha.wordpress.com

      June 27, 2011 at 3:13 pm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s